NAKALIMUTAN NA KITA

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

Axiommm's picture

"Hindi na kita mahal. Break na tayo."Halos tatlong taon na rin pala nung sinabi mo sakin yan. Naalala ko pa nung pilit kitang tinatawagan ngunit walang sumasagot. Pinuntahan kita sa bahay nyo ngunit di mo ako nilalabas. Nakasalubong kita pero bakit parang wala kang nakita. Nanlamig ka na nga siguro talaga, siguro nga wala nang pag asa. Nagdaan ang mga araw mahal pa rin kita. Nagdaan ang mga linggo mahal pa rin kita. Umabot na nga yata ng taon mahal pa rin kita. Tinitingnan yung mga litrato nating dalawa. Tayong dalawa na masaya. Tayong dalawa na magkayakap. Tayong dalawa na mahal ang isa't-isa. Siguro nga hanggang sa litrato nalang tayo makikitang magkasama. Kaya naman naisipan ko na tama na, kailangan na rin na kalimutan ka tulad ng paglimot mo na kay bilis dahil meron ka kaagad pinalit na iba.

Dalawang taon. Dalawang taon ang lumipas at maraming nangyari. Inayos ko ang sarili ko at nagpakabusy. Nakalimutan na kita. Nagmahal ako ulit pero hindi na katulad ng binigay ko sayo. Yung binigay ko lahat ng pagmamahal ko dahil akala ko dati aabot tayo hanggang dulo. Akala ko dati magkasama natin tutuparin parehas yung pangarap natin. Akala ko magtutulungan tayo at iintindihin ang bawat isa kapag may problema. Akala ko lang pala. Ako lang talaga siguro yung umasa. Ngayon, tuwing may dumadating lagi na akong nagtitira para sa sarili ko. Hindi na ako nag e-expect na tatagal. Di na ako umaasa. Ayaw ko nang maulit yung dati, yung dati na halos hindi na ako makabangon at makabawi.

Naging masaya ako nung sa wakas nakalimutan kita. Pero bakit naman ngayon ayos na ako saka ka ulit nagpakita. Binigyan ng mga ngiti at kinamusta. Tiningnan kita sa iyong mga mata. Ang sarap mo pa rin titigan. Di ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti nalang ako sabay lakad palayo. Ayaw ko nang lumingon pagka't nakalimutan na kita. Tama, nakalimutan na nga kita pero habang tumititig ako sa mga mata mo alam kong mahal pa rin kita. Pero sana di ka na ulit nagpakita pa. Pakiramdam ko kasi babalik nanaman ako sa simula. Simula nung sinabi mong "Hindi na kita mahal. Break na tayo."

up
5 users have voted.

Comment(s): 0