case file: 0001 J part 3 (same disclaimers apply)
Ang eksena: isang magarang bahay sa isang ekslusibong subdibisyon malapit sa Robinson’s Galleria. Mga tanghaling-tapat. Tahimik ang bahay. Walang tao, ngunit may kotseng nakaparada sa harapan. Tumatakbo ang makina, nakabukas ang bintana, at may nakalabas na kamay. Naninigarilyo. Nagaabang.
Sa loob ng bahay, nangggaling lamang sa isang kwarto sa ikalawang palapag ang tanging indikasyon ng buhay. Sa likod ng nakasaradong pinto, kung makinig ka ng mabuti, ay may maririnig na mga boses at mga tunog ng mga taong gumagalaw.