Submitted by supertoyantz on Tue, 2012-07-24 21:17
Chapter 34 - Roadtrip !
Alarm galing cellphone ang nagpagising sa aking diwa.
Agad ko itong inabot .. Sinulyapan ko ang oras.
Alas dos na pala..
Dahan dahan akong bumangon.
Nasanggi ng kamay ko ang malambot na bagay..
Automatikong napangiti agad ako ng masilayan ko ang aking katabi..
"Chi.. Gising na..." untag ko sa bata.
Umungol lang ito.