Submitted by AliceLibog on Wed, 2022-02-02 19:42
Bugaw
KILALANG kilala si Donna sa lugar na iyon. Banggitin mo lang ang pangalan niya ay ituturo agad ng mga taga-looban kung saan ang bahay ni Donna. Sikat kasi at matunog ang pangalan niya sa parkeng iyon dahil halos lahat ng mga babaeng bayaran na nagbebenta ng por kilong karne ay hawak ni Donna.
Sa tapat lang ng parkeng iyon sa Pasig na pinamumugaran ng mga putatsing nakatira si Donna.
Sosyal ang beauty niya dahil sa isang condo unit nakatira si Donna.