Akin Ka Lang P17.

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

Type: 
Language: 

Habang nasa kama na nakaupo, pinagmamasdan nya ang kanyang katawan. Hindi nya lubos maisip na tatlong lalaki ang makakapasok sa kanyang lungga. Si Jordan na asawa nya, si Ariston na biyenan nya at si Erwin ang nakaka batang pinsan ng asawa. Ngunit si Ariston lang ang bukod tanging naka pag binhi ng semilya at nag bunga ito hindi lang isa kundi dalawa pa.

At dahil sa pag-layas ni Ariston, para sa kanya ay tapos na sila, tapos na ang lahat ng pag-hihirap nya dito.

Bigla nya naibaling ang pansin sa tulog na asawa, masakit ang kanyang puso.
Napahiya kasi siya sa asawa nang tanggihan ang kanyang alok na magtalik silang dalawa.

Nasa gayun siyang ayos nang biglang tumunog ang kanyang cellphone ...

Unnamed ang caller ...

Saglit siyang nag-isip kung dapat sagutin ang tawag dahil hindi naman niya kilala ang tumatawag.

Pero paano naman nila makikilala kung sino ang caller kung hindi niya sasagutin?

“Hello ... sino ito?” sagot tanong ni Beulah sa tumatawag.

Nagulat ang babae nang mabosesan ang caller ...

Ang tunay na ama ni Joshua, si Ariston.

Biglang nanggigil sa galit ang pakiramdam ni Beulah.

“Bakit kayo tumawag? Ginulo na ninyo ang buhay namin ni Jordan. Ano pa ba ang kailangan ninyo?” pabalang na tugon ng babae.

“Relaks ka lang, mahal kong Beulah. Wala akong balak na manggulo at sa halip, gusto ko pa ngang ayusin ang problema ninyo,” sagot naman ni Ariston.

“At paano naman ang gagawin ninyo?”

“Para madaling makalimutan ni Jordan ang namagitan sa ating dalawa, kailangang wala siyang makitang alaala,” sabi ng lalaki.

“Ano ang ibig ninyong sabihin?’

“Sumama kana sa akin at mag-tanan na tayo o kaya ibigay mo sa akin si Joshua. Anak ko siya kaya ako na ang bahalang magpalaki sa kanya,” sagot ni Ariston.

“Hindi ko siya puwedeng ibigay sa iyo at hindi ako sasama sayu kahit ikaw pa ang ama ng mga anak ko. Si Joshua ay tinanggap na ni Jordan dahil wala siyang kamalay-malay sa kasalanang ginawa mo!” gigil na tugon ni Beulah.

“Huwag mong ibunton lahat sa akin ang kasalanan,” sagot naman ni Ariston. “Nasarapan ka rin naman sa iyutan natin, hindi ba? Hindi ka puwedeng tumanggi dahil tumitirik ang iyong mga mata sa sarap tuwing magdidikit ang laman natin sa isat isa.”

“BASTOS!” galit na sagot ng manugang sabay pindot sa end key ng kanyang cellphone.

Dahil sa malakas niyang sigaw, nagising si Jordan.

“Sino ba ang kausap mo sa cellphone at parang galit na galit ka?” tanong ng lalaki sa asawa.

“ANG bastos mong ama ang tumawag!” mangiyak-ngiyak sa galit na sumbong ni Beulah sa asawa.

Dahil sa narinig, biglang napabangon sa pagkakahiga si Jordan.

“Bakit, ano ang sinabi niya sa iyo?” mainit na tanong ng lalaki sa babae na sumubsob sa mga palad at umiyak nang umiyak.

Kinuha ni Jordan ang cellphone sa kamay ni Beulah at nag-return call sa huling numero na nag-call sa cellphone ng asawa.

“Hello, Daddy ... ako ang kausapin mo huwag ang asawa ko!” galit niyang sabi.

Alam ni Jordan na naririnig siya ni Ariston pero nagsawa siya sa katatawag sa number ng ama ay hindi siya sumagot.

Inis na pinindot ng una ang end key saka banas na binalingan si Beulah.

“Ano ba ang sinabi niya sa iyo at umiiyak ka?” matigas niyang tanong.

“Gusto niya kaming kunin ni Joshua. Hindi mo raw naman siya anak kaya siya na ang magpapalaki,” luhaang sagot ni Beulah.

“Ang kapal talaga ng mukha niya!” ngitngit na sabi ni Jordan. “Ang ginawa niya ay tahasang pag-amin sa ginawa niyang pagpugay sa aking dangal.”

Hindi nagsalita si Beulah ...

Patuloy sa paghikbi.

“Kung inaakala niyang ibibigay ko kayo ni Joshua, nagkakamali siya,” galit na patuloy ni Jordan.

“Paano kung magpilit siya?”

“Ako ang makakalaban niya!” galit namang tugon ng lalaki.

Saglit na naghari sa kanila ang katahimikan hanggang sa sabay silang bumalik sa pagkakahiga at nagpilit makatulog.

UMAGA. Magkaharap sa almusal sina Ariston at Kanor.

Ikinuwento ng una sa huli ang ginawang pagtawag kay Beulah at ang pagtawag naman sa kanya ng anak na si Jordan pero hindi niya sinagot.

“Hindi tama ang ginawa mo, pare. Sa plano mong pagkuha sa mag-ina mo o kay Joshua, parang inamin mo na ring inahas mo ang asawa ni Jordan habang nagtatrabaho siya sa ibang bansa,” napapaling na sabi ni Kanor sa kumpare.

“Alam kong alam na niya ang totoo kaya ginawa ko iyon, pare,” sagot naman ni Ariston.

“Ipagpalagay na. Pero nakakahiya sa makakaalam na inanakan mo ang sariling manugang. Wala ka na bang pagpapahalaga ni konti sa iyong pangalan?” patuloy ni Kanor.

Hindi nagsalita si Ariston pero tumigil na sa pagsubo ...

Nagkape na lang ...

habang nakatingin din sa kanya si Kanor, at sa looban ng isipin ni Kanor ay may halong inggit na nararamdaman sa kumpare dahil sya rin mismo ay may matinding pag-nanasa sa magandang inaanak na si Beulah.

Ayun pa sa isipan ni Kanor, kung sya man siguro ay may pag-kakataon na magalaw si Beulah marahil naanakan din nya ito, napaka ganda talaga ni Beulah kahit buntis itong tignan ay maaakit ka pa rin sa magandang katawan na taglay ngayun ni Beulah.

Maya maya pa'y nag salita si Kanor sa Kaibigan.

“Kung meron kang magandang magagawa, iyon ay ang paghingi ng tawad sa iyong anak at mapanatili ang marangal ninyong pangalan,” payo ni Kanor sa kaibigan.

“Hindi ako naniniwala na magagawang patawarin ni Jordan kaya hindi na kailangang humingi ako ng tawad sa kanya,” sagot naman ni Ariston.

“Ano ang plano mo ngayon? Itutuloy mo pa rin ang pagbawi sa naging anak mo sa iyong manugang?” tanong ni Kanor sa kaibigan.

Biglang sinapo ng dalawang kamay ni Ariston ang kanyang ulo.

“Magulo ang isip ko, pare. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,” sabi niya sa kaibigan.

Hindi na nagsalita pa si Kanor.

Hindi siya naaawa sa kaibigan at sa halip, gusto niyang sumbatan sa problemang siya rin ang may kagagawan.

Pero hindi niya itinuloy ang paninisi.

Ayaw na niyang dagdagan pa ang problema ni Ariston.

(ITUTULOY)

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
5
Your rating: None Average: 5 (1 vote)
up
1 user has voted.

Comment(s): 3

Comments

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

nice nadugtungan din
"Light thinks it travels faster than anything but it is wrong. No matter how fast light travels, it finds the darkness has always got there first, and is waiting for it."

+1
0
-1
Liked This Comment?

"Light thinks it travels faster than anything but it is wrong. No matter how fast light travels, it finds the darkness has always got there first, and is waiting for it."

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

naku mukhang makakatikim si mang kanor ah..

+1
-4
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Yon! mamaya nyan maanakan din ni Mang Kanor si Beulah! hehe, what kaya istura nya pag buntis at hindi buntis hehe... tapos kambal pa yung kay Mang Kanor eh noh? haha

+1
-1
-1
Liked This Comment?