Maikling advice ni Sawn

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

hartbreak, first wag mo lang gawing obvious na interested ka. depende din kase sa babae, pag tipong maganda talaga na habulin ng lalake. ganun ang dating. kung baga lumapit ka sa inner circle nya ng di nya namamalayan, and one day, hahanap nahapin kana. it takes time. pero kailangan ma istablish mo sa kanya na importante ka sa buhay nya na may worth ka. Research ka sa weakness nya. Kung ano nakakapag pangiti sa kanya. If your around, make your self as warm as possible sa kanya. Wag muna mag isip ng kalibugan. It will just follow soon gradually. Establish muna ng solid na foundation. Best of all, be natural. Kung ano ka at kung sino ka. Para kung magustohan ka man nya, at least ikaw talaga nagustuhan nya.

Mahirap mag kunwari. Mawawalan ka tiwala sa sarili mo. Now, kung hindi ka pa din nagustuhan, humanap ka na ng iba. Ang good point dun, you learn lessons. Wag matakot sumubok, mag explore. Ang pagiging sensitive sa feelings ng mga babae ay natutunan, dahil sa karanasan. Kaya madami ding hindi nahirapang magpasagot ng babae. Dahil sa karanasan. I give plenty of pointers sa mga stories ko hartbreak, sundan mo lang. now, kung sasabihin mong, “kuya sawn, di naman ako kase kagwapuhan..” always remember na ang kagwapuhan eh nasa tumitingin. At pag insecure ka. Yung aura nun ay nag e-extend dun sa tumitingin. Dahil pangit ang tingin mo sa sarili mo, yung iba din pangit tingin sayo. Di mo napapansin? Bakit merong mga halos kalbo na at malapad na syado ang noo eh parang gwapo pa din? Disposisyon yan hartbreak. Sa simula, planado talaga moves mo, tapos I ivaluate mo later on kung ok ba o hindi tapos out of your observation gagawa ka ng second move and so on. I will give you an example, maniniwala ka ba na kung ako sa katayuan mo mahaba na isang buwan gf ko na yan? Or mahaba na isang linggo para malaman ko na hindi ako magugustuhan? We cannot please everybody, dapat sensitive tayo para malaman yun. Isipin mo, merong dalawang taon ng nanliligaw para sabihan lang ulit na ayaw sa kanya ng babae, sige pa rin. Tsk. tsk. sayang yung dalawang taon na yun. He could have found someone better for him kung at the very start tinanggap nya na na ayaw talaga sa kanya. Hindi ibig sabihin manloloko ka ng babae. Dahil pag ganun pati sarili mo niloloko mo na rin. Pag kase maganda ang package mo hartbreak, madaming magkakainterest sayo, in turn makakapamili ka ng talagang gusto mo. Wag lang lokohan dahil para lang yun sa mga insecure na tao. Lahat ng yan hartbreak, parang continious learning para sakin. You are still young, focus on developing yourself. Kase sarili mo ang binibenta mo. I think I give you enough to start. I hope this helps.

up
0 users have voted.

Comment(s): 1

Comments

Maganda po ah!!! thanks po for posting  

  • -in able to obtain sumthing there must be an equal value in exchange-

 

  • -in able to obtain sumthing there must be an equal value in exchange-
  • -Acceptance of Truth is essential to "MOVe ON"