Breaking the Language Barriers (Conclusion)

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

Danelle's picture
Topic: 
Type: 
Language: 

Breaking the Language Barriers (Part 6)

============================

I have to end this. It's a stupid pretend. As stupid as... -

Ano nga ba?

Tumingin ako sa paligid ko. Unti-unti nang nagliliwanag kalangitan, subalit tinatakluban pa rin ng hamog ang pagitan ng mga kabundukan. Malamig ang umaga at mas lalo kong hinigpitan ang makapal na kumot sa mga balikat ko. Sa loob ng dome tent na nasa likuran ko ay mahimbing pang natutulog si Samuel.

I couldn't stay mad at him for so long. Doon pa lang sa Palawan, eh, todo-todong pagsusumamo at hingi ng patawad etong si Taco. He went all out, pulling all the stops.

"My work here is done and I'd like to pretend that I'm here solely for you," bulong niya sa akin habang pinanonood namin ang sunset sa Coron.

Mind-boggling pa rin para sa akin. But I bought it. If you're a woman, and he looked at you that way, and said those things in your ear... madali ka rin sigurong mauuto.

Well, that, at dagdagan mo pa ng the best fuck... only, HE called it love making... you ever had in your life? You will not want it to end.

Sorry, ha. Barako o barubal man ako madalas, pero romantiko ako through and through. Must be those romance novels and chick flicks. Makes you want to have your own romantic hero. Napakadali tuloy kumagat sa pain o patibong ng lalaking sasabihan ka ng "Te quiero" o "Mi amor." Kahit pa alam mong bago lang kayong nagkakilala. Kahit pa alam mong sandali lang kayong magkasama. Kahit pa, in the back of your mind, napaka-improbable ang may "love" kuno na nagaganap.

Habang pinanonood kong naglalaro ang hamog sa bundok, kinausap ako ng sarili ko. "Infatuation lang ito, DJ. He's just a guy following where his dick is pointing. And when he leaves, wala na. Yun na yun. If he comes back, malamang nakalimutan ka na niya o kaya may iba na... even probably with some of the female doctors na nakakasama niya halos araw-araw sa Mexico."

Kinausap at nakipagtalo...

"Ang hirap kasi sa iyo, kinilig ka agad!"
"Eh, sino ba naman ang hindi kikiligin?"
"You think and thought too much! Tinitigan ka lang, iba na agad ang inisip mo! Nagbigay ka na agad ng kulay. It's mostly your fault, really. You forgot to compartmentalize your thoughts and feelings."
"Sorry na po!"
"Tapos pumatol ka pa sa kunwa'y mag-jowa kayo!"
"Sorry na nga eh!"
"Pumatol ka na, ginatungan mo pa!"
"It's only for a few days lang naman..."
"Kahit pa!"
"Hindi ko ba puwede ma-enjoy lang naman just for a few days?"
"Hinde!"

Saan ba nakakabili ng mute switch para sa sariling utak? Maingay eh!

Bumaling uli ako sa tinatype ko sa cellphone.

It's a stupid pretend. As stupid as claiming something that is not your own...

"DJ?"

Lumingon ako. Nakadungaw sa bukana ng tent si Samuel.

"It's cold there. Come inside and let me warm you up."

Brain, I am warning you: Not one fucking word.

=========================

Nakaluhod kaming nakaharap sa isa't isa. Sa loob ng tent ay parang nasa loob kami ng isang cocoon. Nagtitigan kami Samuel. Matagal. Parang ang bawat isa ay hinihintay kung ano ang gagawin ng isa.

In the dim, I stared at his face, his expression his eyes. There was nothing there. No sadnesss, no twinkle. Blanko. Expressionless ang guwapo niyang mukha. But it speaks more than any words he could utter.

Napayuko ako. Ayaw kong makita niya ang lungkot sa aking mga mata.

Pero inangat ni Samuel ang ulo ko at humalik sa aking mga labi. Napapikit lang ako at ninamnam ang init ng kanyang malambot na mga labi, ang kanyang mga palad sa aking leeg.

Hindi pa rin ako dumilat nang isa-isa niyang alisin ang mga damit na bumabalot sa aking katawan -- ang jacket, t-shirt, sando, sports bra, jogging pants at boyleg panties. Hindi pa rin ako dumilat nang dahan-dahan niyan inihiga ang hubad na katawan ko sa nakalatag na sleeping bag.

Ayokong imulat ang aking mga mata.

Gusto ko na lang namnamin ang kanyang bibig at dila na mainit sa aking dibdib... ang mainit at magaspang niyang palad na marahang dumadausdos sa aking bewang, tiyan, balakang at mga hita.

Mas lalo pang dumiin ang pagpikit ng aking mga mata nang ang init ng kanyang mga labi ay dumako sa pagitan ng mga hita ko... init ng kanyang mga labi na sinalubong ng init ng aking pagkababae.

Ayoko pa ring imulat ang aking mga mata nang mas lalo pa niyang pinaghiwalay ang aking mga hita. Pikit-mata pa rin ako nang muli kong naramdamang dahan-dahang itinarak ni Samuel ang kanyang ari sa kaloob-looban ko.

Mabagal ang kanyang mga galaw na tila ninanamnam rin niya ang init ko na bumabalot sa kanya.

Hinaplos ni Samuel ang aking pisngi at labi. "Look at me, DJ." bulong niya. "Look at me."

Mas maliwanag na ang loob ng maliit naming mundo nang dumilat ang aking mga mata. Malinaw rin ang ekspresyon sa mga mata ni Samuel - ekpresyon ng pagkalinga at pagnanasa.

Kinabig ko siya at hinalikan ang kanyang bibig. Sinabayan ng aking katawan ang bawat galaw ni Samuel na nagdala sa amin sa rurok ng kaligayahan ng laman.

Sa loob ng aming maliit na mundo, ninamnam namin ang init ng katawan ng isa't isa.

=========================

"Hoy, Dorotea Jose! Tulala ka na naman!"

"Ay! putanginangpukengnatisod!" Napasigaw ko nang bigla akong tinapik... hinde, hinampas pala... ni Markus sa likod.

Two months na mula nang umalis si Samuel para bumalik ng Mexico. Ni hindi ko na siya naihatid sa airport. Ang huling pamamaalam namin ay noong ihatid ko siya pabalik sa seminaryo ni Fr. Dionito nang lumuwas kami galing ng Sagada.

Habang nasa biyahe pauwi ng Manila, tuwing sana'y magpapaliwanag si Samuel ay tinatakpan ko na lang ang kanyang bibig. Mas okay na ang tahimik kami pareho sa dose oras na biyahe namin.

I mean, kailangan ba ng maraming paliwanag? Hindi ba puwedeng hayaan na lang natin na ganoon?

"What you see, what you do, when you leave, you leave it here," ika nga. Kaya kung anuman ang mga naganap sa pagitan namin ni Samuel, mas mainam na iwan ko na lang ang mga iyon sa Sarangani, sa Coron, sa Sagada, at sa lahat ng mga sinakyan namin papunta at pabalik mula sa mga lugar na iyon.

Kahit mapilit sina Markus na magkuwento ako sa mga naganap sa biyahe namin ni Samuel aka Enrique "Taco" Iglesias, ay hindi ako nagkuwento. Eh di pinagpiyestahan ng mga bakla ang sex adventures ko, ano? Ano sila, sinusuwerte?

Pero sinabi ko naman sa opisina na nag-iingles pala itong si Samuel. Natawa ang mga ka-opisina ko, pero kebs rin lang. At least hindi na raw sila mapapagod mag-google translate.

Buti na lang at hindi rin ako ang ka-email ni Samuel. Lahat ng communications ay pumapasok sa e-mail ng opisina. Si Markus ang sumasagot ng mga sulat na pumapasok dito. Pero panapanahon ay binabasa ko ang mga formal communication ni Samuel sa amin. May thank you, siyempre. Tapos naka-CC na kami sa lahat ng sulat niya para sa implementation ng project nila dito sa 'Pinas.

Para lang akong tangek sa pagbasa ng mga e-mail na iyon. Wala naman patungkol sa amin na personal, alam ko. Pero, wala lang... gusto ko lang mabasa, makita ang pangalan niya, y'know. Kahit na minsan masakit sa dibdib na paulit-ulit na basahin ang mga e-mail niya na hindi naman talaga para sa akin. Wala lang, gusto ko lang makita ang pangalan niya.

"Pabalik na raw sina Taco and company sa GenSan text ni Sr. Stella," ulat ni Markus habang nagbabasa ng text sa cellphone niya.

"That's good," mala-dedma lang na sagot ko kay Markus. Bisi-bisihan ang moda ko sa laptop ko.

Actually, four days ago ay dumating na ang grupo ng duktor ng organisasyon ni Samuel sa Pilipinas. Diretso Mindanao na ang flight na kinuha nila at sina Sr. Stella na ang nag-coordinate ng lahat ng final preparations ng medical mission nila.

In short, hindi na sila dumaan pa ng Maynila, which is a good thing for me. Less interaction with Taco, less awkward moments for me.

Hay!

"O, para sa iyo!" sabi ni Markus sabay lapag ng isang airmail envelope sa keyboad ko.

"Wow! Uso pa pala ang snail mail ngayon!" sagot ko kay Markus habang sinisipat ang envelope.

Naka-sulat sa labas ng envelope ang pangalan ko at address ng opisina namin. Walang return address. Flag ng Mexico ang stamps, post marked two weeks ago.

Isang maliit na note paper at brochure lang ang laman ng envelope. Kaunti lang ang mga salita na nakasulat sa papel na iyon.

* * * * *

Dear DJ,

Muchas gracias! Thank you for our time together.

Samuel

PS. I look forward to hearing you call me "Taco" with passion again.

* * * * *

Ang brochure? Bohol.

---END---

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
5
Your rating: None Average: 5 (2 votes)
up
0 users have voted.

Comment(s): 8

Comments

alekzandreia's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Go girl! :)

+1
0
-1
Liked This Comment?

"To survive, you must tell stories."
~ Umberto Eco

IamAmber's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Ka sweet naman ni Taco. ;) may snail mail pa na nalalaman. How romantic. ;)

+1
-2
-1
Liked This Comment?

Sweetie, if you're going to be two-faced, at least make one of them pretty (;

Danelle's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

And Taco is out of my system now. LOL! Now who can be my next willing victim? :P

+1
+2
-1
Liked This Comment?

-------

"The greatest deception men suffer is from their own opinions." - Leonardo da Vinci

 

johnbruno's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

After you used him?!

Black Widow!

+1
-1
-1
Liked This Comment?

"Igitur qui desiderat pacem, praeparet bellum" - Publius Flavius Vegetius Renatus

"To thine own self be true." William Shakespeare

"Believe in something, or fall for anything."

Danelle's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Actually, HE used ME! :P

+1
0
-1
Liked This Comment?

-------

"The greatest deception men suffer is from their own opinions." - Leonardo da Vinci

 

IamAmber's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

I think both of you in one way another used each other. Hahahaha

+1
+1
-1
Liked This Comment?

Sweetie, if you're going to be two-faced, at least make one of them pretty (;

Danelle's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Oh, okay! At least we both enjoyed it. :P

+1
+3
-1
Liked This Comment?

-------

"The greatest deception men suffer is from their own opinions." - Leonardo da Vinci

 

IamAmber's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Yup! Para di lugi :p

+1
-2
-1
Liked This Comment?

Sweetie, if you're going to be two-faced, at least make one of them pretty (;