Tatay ko ang lolo ko.

9 posts / 0 new
Last post
bastardson
Offline
Last seen: 9 years 10 months ago
Joined: 2014-06-10 08:30
Tatay ko ang lolo ko.

Hi guys & gals. I'm new here. I'm Frank.

Just turned 18 a month ago. Bata pa lang ako sinabi na sa akin ng mom ko na patay na ang father ko kaya naman ang tumayong ama sa akin ay ang aking lolo.

Last week, habang nag-iinuman kami pinagtapat ng lolo ko sa akin na siya ang tunay kong ama. Pangalawang asawa siya ng aking lola. Na-inlove daw siya sa mom ko dahil nung mga panahon na yun laging wala ang lola at busy sa mga negosyo nito at ang mom ko ang lagi niyang kasama sa bahay. Eventually nagkarelasyon sila hanggang nabuntis niya nga mom ko.

Si lolo na mismo ang nagsabi sa akin na pinili siya ng mom ko at handa itong iwan ang lola ko at itakwil ng buong angkan niya pati na ang maayos niyang buhay magkasama lang sila pero hindi siya pumayag dahil galing din daw siya sa kahirapan at ayaw niyang danasin ko pinagdaanan niya.

In short, pinili niya ang lola ko. Pero ngayon hindi ko siya maharap dahil I think pinili niya ang lola ko para hindi siya muling maghirap. Pakiramdam ko mas mahalaga sa kanya ang pera kesa sa amin ng mom ko. I feel bad na ganun ang nararamdaman ko pero mas lalo akong nagagalit pag nakikita ko sila ni lola lalo na pag naririnig kong sinasabi niyang mahal na mahal niya ang lola ko.

Minsan nakita niya kong nakatingin sa kanila at napapayuko na lamang siya ng titigan ko. In my mind sinasabi kong sino ang niloko niya ang lola gayong kung totoo yun eh di wala sana ako ngayon. Hindi ko naman masabi sa kanya, sa lola o sa mom ko ang nararamdaman ko sa sitwasyon namin.

What's worse, wala rin akong masabihan sa mga kaibigan ko ng sitwasyon ko. Paano ko sasabihin sa kanila na ang kinilala kong lolo ang tunay kong ama? Paano ko papaliwanag sa mga malalapit sa akin na anak ako ng lolo ko sa kanyang stepdaughter?

Nahihirapan lang ako sa sitywasyon ko. Para bang mas mabuti na lang na hindi na niya sinabi sa akin ang totoo at hinayaan na lang paniwalain akong patay na ang tunay kong ama.

Need your advice guys & gals badly. Malapit na ko sa aking breaking point.

Just_for_Kicks
Offline
Last seen: 8 years 3 months ago
Joined: 2006-04-06 13:04

tanungin mo ang sarili mo, ano ba ang naging buhay mo ngayon? masalimoot ba or maganda?

mas marami bang nagawang masama kesa sa maganda ang lolo mo sayo? kung ako lang, maaapreciate ko yung ginawa ng lolo ko eventually. sa una lang ang galit siguro, pero hindi rin magtatagal. nangyari na ang nangyari eh.

para sa akin, tama ang naging desisyon ng lolo mo no matter how selfish it looks. kung ayaw niya maghirap, choice niya iyon. mas lalo siguro na lalo niyang ayaw na makita kayo ng nanay mo na maghirap. magulang na rin ako kaya alam ko kung paano magmahal ng anak, gagawin mo lahat mabigyan lang sila ng magandang buhay even if it means watching them grow-up from a distance.

YM: jfk_0000

bana
bana's picture
Offline
Last seen: 6 years 10 months ago
Joined: 2013-11-06 03:51

Mabuti at dito mo naisip ipahayag ang iyong problema. Hindi man tayo personal na magkakilala,atleast nabawasan kahit papano ang dinadala mo. Isipin mo na lang na lahat kami dito ay kaibigan na pwede mong masabihan :)

Sa totoo lang ang hirap talaga ng problema mo, kung ako ang nasa sitwasyon mo baka mas pinili kong lumayo na lang sa lolo ko at mamuhay kasama ng nanay ko sa malayong lugar. Pero kung bilang tatay, nagawa naman ng lolo mo ang responsibilities niya, marahil ay dapat mo din icredit yun sa kanya kasi hindi ka nya pinabayaan. Siguro mabigat na sa loob nya kaya sinabi na nya sayo ang totoo at para siguro kilalanin mo din sya bilang ama kung sakaling matanggap mo sya. Pero Sa ngayon siguro masakit pa yan, pero pagdating ng panahon, matatanggap mo din yan. Tatay mo naman yun at walang ama na gustong mapasama ang anak nila. Pinili nya siguro ang iyong lola dahil tulad mo, may mga dahilan at rason din syang pansarili, kung anuman yun, dapat siguro magkausap kayo ng masinsinan. :)

Kung kailangan mo ng kaibigan andito lang kami. Kung kailangan mo ng kainuman, kawentuhan, Kai-iyakan o makikinig sayo, andito kami.

i dont have a dirty mind, i have a sexy imagination. ;)

bullstag
bullstag's picture
Offline
Last seen: 4 years 4 months ago
Joined: 2011-01-13 10:47

Frank, medyo mahirap nga ang sitwasyon mo, napaka-komplikado. Maigi na rin at nalaman mo ang totoo mong pagkatao. Nasa tamang edad ka na. Sa ganang akin, wala ng puwang ang galit o ang pagrerebelde, kahit kanino 'man sa kanila. Lagi mo lang tatadaan; kapag nag rebelde ka, sariling buhay mo ang iyong sisirain. Hindi ang buhay nila. Sa ngayon, kung ano 'man ang iyong pinagkaka-abalahanan sa buhay. Ibuhos at ituon mong maigi ang iyong pag-iisip, para sa sarili mong kinabukasan. Walang unos na hindi humuhupa, Frank. Matanda ng kasabihan, iyan. Hayaan mong tumakbo ang iyong buhay, sa dapat nitong patunguhan. Sa mabuti at magandang bukas. Masmaigi na itikom mo nalang muna ang iyong bibig, maging sa iyong mga malalapit na kaibigan. Hayaan mong ang panahon ang kusang magsalita, pagdating ng panahon. Iinog ang mundo sa dapat puntahan, sa pagdating ng takdang panahon. Mabuhay ka Frank!...cheers!

hattori
hattori's picture
Offline
Last seen: 6 years 4 months ago
Joined: 2013-04-25 22:04

Not your fault. Don't punish yourself by keeping hatred in your heart. Accept what happened and move on with your life. Youre only 18. You have your whole life ahead of you. Study. Work. Love. What happened there is history, something you can do nothing about. So live on and try to do better. You already know what type of shit can happen from fooling around, learn something from that. Be sure you dont do the same, be unfaithful to your wife, lie about things and shit, think with your penis instead of your brains. etc. etc.

There is no turning back. You take the blue pill - the story ends, you wake up in your bed and believe whatever you want to believe. You take the red pill - you stay in Wonderland, and I show you how deep the rabbit hole goes.

bullstag
bullstag's picture
Offline
Last seen: 4 years 4 months ago
Joined: 2011-01-13 10:47

Ms. hattori, tinamaan naman ako sa mga sinabi mo...aray...ko...po...may tama ka naman...cheers!

bastardson
Offline
Last seen: 9 years 10 months ago
Joined: 2014-06-10 08:30

Thank you so much sa mga payo niyo ka-PSE.

Ngayon na lang ako ulit nakalogin kasi after ko post yung problema ko nagdecide na rin ako na lumayo muna sa amin dahil hindi ko mapigilang magalit sa lolo ko at lalong tumitindi yun tuwing nakikita ko siya. I feel buong buhay ko niloko niya ko tulad ng panlolokong ginawa niya sa lola ko.

Pati ang lola napapansin na umiiwas ako tuwing magkikita kami kasi nahihiya ako sa kanya. Nahihiya ako kay lola dahil I feel pinapaalala ko sa kanya ang kahuyapang ginawa ni lolo. Pakiramdam ko ako ang legacy ng kataksilan ni lolo sa kanya na sa araw-araw na nakikita niya ako pinamumukha ko sa kanya ang kasalanan ng walang kwenta niyang asawa. Sorry mga ka-PSE kung harsh ako. Alam ko hindi ako dapat magalit pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

Sa totoo lang nag-iba ang pagtingin ko sa sarili ko. Dati normal na teenager lang na papasok na ng college pero ngayon tuwing nananalamin ako, alam mo yung pakiramdam na tinanggalan ka ng identity o sabihin na nating binago ang identity mo. Ganun ang pakiramdmam. Pag nakikita ko sarili ko ngayon agad pumapasok sa isip kong bastardo ako--like my username here-- isang malaking pagkakamali, bunga ng bawal na pag-ibig...

I even asked myself na baka naman galit ako sa sarili ko at hindi sa lolo ko pero ngayon lang nagsimula lahat ng ito mula ng malaman ko ang totoo. Kaya nagdecide akong magstay muna sa kaibigan ko. I'm hoping na magawa kong pagtapat kahit sa kanya lang sitwasyon ko dahil sa punto na to hindi ko pa kayang kausapin ang mom ko, si lola at lalong lalo na ang lolo.

@Just_for_Kicks - Yeah naging maayos nga ang buhay ko. Sabi nga nila time heals all wounds kaya umaasa ako na balang araw mas maappreciate ko ang naging desisyon ng lolo kesa ang galit na nararamdaman ko ngayon.

Naiinis lang ako dahil hindi ba niya kayang magsikap para sa ikabubuti namin ng mom ko at kailangang umasa siya sa lola ko para buhayin kaming tatlo. Kaya nga pag nakikita ko siya ngayon nakikta ko lang ay isang user na hindi kayang panindigan ang anak niya sa babaeng sinabi niyang minahal niya. Siguro nga I'm too young to understand why he did what he did kaya I really appreciate your perspective Just_for_Kicks.

@bana - Tama ka dun bana gumaan ng konti ang nararamdaman ko after na masulat ko ang kwento ko kaya ngayon ni-reready ko na pagtapat sa best friend ko ang sitwasyon ko.

Isa rin sa kinaiinisan ko yung sinabi mo na kaya niya pinagtapat ay dahil mabigat na sa loob niya kasi I feel na nung sinabi niya yun sa akin, lahat lahat ng bigat na pinapasan niya napasa sa akin at ngayon hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang sa isang iglap lahat lahat ng mga memories nawalang parang bula at para bang isang malaking kalokohan lang yun. Hindi ko rin mapigilan ninsang isipin na kaya niya ginampanan ang papel ng ama sa akin para mawala ang guilt niya sa pag-iwan sa amin ng mom ko nung pinakakailangan namin siya. Oo nandyan siya bilang asawa ni lola hindi bilang ama, ni hindi niya nagawang ibigay ang apelyido niya sa akin kaya nga tingin ko sa sarili ko ngayon isang bastardong anak.

Kaya naman lumayo ako, I guess I just need time to heal. Hindi ko nga lang alam kailan pero I know maaayos din ang lahat. Darating din siguro ang time na kakausapin ko sila ng masinsinan

@bullstag - Sa totoo lang madaling sabihin na walang puwang ang galit pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko.

Siguro magiging madali sa akin na tanggapin o unawain man lang ang lahat kung hindi ok si lola. Pero ang bait bait ni lola hindi lang sa akin kundi sa aming tatlo. Hindi ko lubos maisip paano nagawa ni mom at lolo na lokohin ang lola at ipaako pa sa kanya ang kasalanan nila which is ako. Sa ngayon wala akong mukhang maiharap kay lola kasi ako ang nahihiya para sa lolo ko at sa mom ko.

Alam ko naman ang tama sa mali bagay na hindi ata alam ng lolo ko. Alam ko rin na mali ang nararamdaman ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Mana lang siguro ako sa lolo hindi kayang pigilan ang sarili kaya eto kami ngayon. Higit sa lahat alam kong walang saysay na sirain ko ang buhay ko dahil sa isang walang kwentang tao kaya I'll just wait for things to settle down. Sorry bad trip lang talaga ako.

Pero ang pinaka nakkakabadtrip sa lahat lahat ng 'to, kahit baligtarin ko pa ang mundo ako pa rin ang bastardong anak ng lolo ko sa anak ng asawa niya na hindi man lang niya pinaglaban, na isinuko na lang dahil hindi kayang panindigan. And as for telling anyone about my situation, nagdecide na kong sabihin sa best friend ko kahit ano pa ang repercussion nun sa friendship namin siguro oras na para malaman sino ang totoong mga kaibigan ko. Sana kahit sa kaibigan lang may totoo naman. I'll be putting my trust on the line again. Sana it wouldn't burn me.

Tama ka naman lilipas din ang lahat... hindi lang ako makapaniwala na sa isang iglap lahat ng pagmamahal ko para sa lolo ko ay napalitan ng galit. Kaya sa ngayon lumayo na muna ako. Tignan ko what's in store for me.

@hattori - Thanks for the advise. Got to admit madaling sabihin na let go and move on pero pag nakikita ko lolo ko hindi ko magawa. Para ang sa tuwing nakikita ko siya mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya kaya I decided to put some space between us maybe just maybe sapat na yung time at distance para magsubside ang nararamdaman ko at eventually I can really go on with my life.

bana
bana's picture
Offline
Last seen: 6 years 10 months ago
Joined: 2013-11-06 03:51

ayan ayan mukang may direksyon ka na. alam mo na ang iyong gagawin. ipagpatuloy mo lang yan. Goodluck ng madami sayo :)
nga pala sabihin na nating bastardo ka nga pero hayaan mo na yun. ikaw pa din yan, nagbago lang ng konti. Accept and dont just move on, Move Forward.

fuck the sytem! fuck the world! fuck normality! dont give a shit! live life, dont just exist. :)

i dont have a dirty mind, i have a sexy imagination. ;)

fatboyslim27
Offline
Last seen: 1 year 3 months ago
Joined: 2014-12-19 17:16

This shows that there are more openminded incensitive intelligent people here is PSE than facebook. This site helps people to be openminded not necessarily on erorit point of view but all aspect as well

Log in or register to post comments