Strange Island (Part 01)


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos
Topic: 
Type: 
Language: 

"Honey! Bilis dito!" natatarantang sambit ni Joel sa kanyang asawa.

"Teka lang! Ang mga anak mo!"

"Aaahhhh sir tulooonnngggg!!!"

*tunog ng saksak*
Nahuli ng isang miyembro ng tribo ang isang flight attendant. Halos lahat ng staff ay napatay na nila. Ang buong pamilya ni Joel ay nananatili pang buhay.

5 hours ago
Si Joel at ang pamilya nito ay nakasakay sa kanilang private jet papunta sa kanilang bakasyon sa France. Mayaman ang kanilang pamilya dahil sa isang business owner si Joel ng isang cellphone company. Napagdesisyunan niyang magbakasyon kasama ang pamily nito pagkat unti unti na siyang nawawalan ng oras sa mga anak nito at pati na rin sa asawa (if you know what I mean).

"Hello sir Joel, is there anything you need? I am at your service." Tanong ng flight attendant.

"One red wine please, thanks."

Habang nasa kasgkasagan ng kanilang byiahe ay biglang may tumunog sa engine ng kanilang jet.

"Excuse, is there a problem?" tanong ni Joel.

"Sir, Ma'am, please fasten your seatbelt, sabi ng ating piloto ay may problema daw sa engine ng jet." Paliwanag ng flight attendant.

Agad naman nilang ginawa lahat ng safety protocol. Ngunit hindi nagtagal ay bumalik ulit ang flight attendant at sinabing magka-crush daw ang kanilang jet, at gagawin daw ng piloto ang lahat para maging hindi critical ang pagbagsak nila sa isang isla. Lahat sila ay kinakabahan habang bumubulusok ang kanilang sinasakyan pababa sa isang hindi kilalang isla. Pikit ang kanilang mga mata habang tumatakbo pabalik ang kanilang memorya, mga mahahalagang memorya ng kanilang pamilya. Hanggang... *fade out*

"Uhhuuu! Uhhuuuu!" malakas na ubo ni Joel sa pagkakagising nito dahil sa usok. Agad nitong pinuntahan ang ang asawa at anak.

"Honey! Michael!? Misha!!?? Ohhhh!!! Buti naman at ok lang kayo."

Unti unting nagkaron ng malay ang kanyang pamilya at pati na din ang mga staff. Nagtamo sila ng minor injury. Pinuntahan nila ang piloto ngunit nakita nilang nasaksak ito ng isang sanga ng puno. Lumabas silang lahat sa jet habang chinecheck nila ang kanilang mga cellphone kung makakahingi sila ng tulong.

"Honey, nasan tayo?" pagaalalang tanong ng asawa ni Joel.

"Hindi ko alam honey, icheck mo ang mga bata kung may mga sugat, tatry ko kumontak para humingi ng tulong."

"Sir Joel mukhang wala tayong signal dito." Sabat ng isang staff.

"Ok, ganito, lahat ng gamit na pwede pang magamit sa loob ng jet kunin natin lahat. Ikaw samahan mo ako maghalungkat sa loob." Sagot ni Joel.

"Ok sir."

Sumapit na ang gabi. Hanggang ngayon ay hini pa din sila nakakahingi ng tulong dahil sa kawalan ng signal sa isla. Sila ay nakapaikot sa bon fire, naghihintay ng himala, lahat ay takot.

"Sir yung supply natin ng pagkain baka umabot lang ng 5 araw. Anong gagawin natin?"

"Wag kang mag alala, gagawa ako ng paraan bukas, pero magpahinga na muna tayo ngayon, gabi na, mahirap maglibot sa madilim, at isa pa hindi natin kabisado itong isla na ito. Mag latag na kayo ng higaan niyo at matulog na kayo. Ako muna ang magbabantay." Paliwanag ni Joel.

"Sige po sir, salamat po."

Maya maya lamang ay may narinig itong kaluskos sa paligid.

Sa isang iglap, ang staff na nakahiga sa harap ni Joel... ay may nakaturok na sibat sa ulo nito. *tunog ng pagtanggal ng sibat sa ulo*

"Shit..." (Joel)

Nakita ni Joel kung pano dahan dahang hugutin ng isang miyembro ng tribo ang sibat nito sa ulo ng kanyang staff. Nashock ito at hindi makagalaw sa kinauupuan.

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!" tili ng isang flight attendant.
*swisshh* nilaslas bigla ang leeg nito.

"Joeeeelllll!!!" Nagising si Joel sa tawag ng asawa.nakita niya sa likod ang asawa na medyo malayo na pala ito para tumakas. Agad naman tumakbo si Joel papunta sa kanyang asawa. May mangilan ngilan ding mga staff na nakatakbo, yung iba ay nahuli din at yung iba ay hindi pinalad.

*this is translation [ ]*
[Karu, hulihin mo sila.] Utos ni Jarobi. Ang lider ng kanilang unit.

Kasama ang ibang katribo, agad nilang hinabol ang pamilya.

"Honey! Bilis dito!" natatarantang sambit ni Joel sa kanyang asawa.

"Teka lang! Ang mga anak mo!"

"Aaahhhh sir tulooonnngggg!!!"

*tunog ng saksak*
Nahuli ng isang miyembro ng tribo ang isang staff.
Nagawa nilang makalayo sa sa tribo, ngunit sa kasamaang palad, sila ay natrap sa isang bangin, hindi nila alam kung saan sila pupunta dahil malapit na sa kanila ang tribo. Tinignan ni Joel kung pwede silang tumalon ngunit may mga bato bato sa ilog.

"Honey, Misha, Michael, dumikit kayo sakin, wag kayong mag iingay. Tahimik lang kayo."

Nagbakasakali si Joel na baka hindi sila matunton nito. Subalit malakas ang pang amoy ng mga ito, kaya agad naman silang nakita. Dahan dahan silang papalapit sa kinatatayuan ng pamilya, habang dahan dahan din papaatras ang pamilya malapit sa bangin.

Hanggang sa hindi na namalayan ni Joel na malapit na ang kanyang paa sa pinakadulo ng bangin. Mabilis na humakbang paharap ang tribo para sunggaban ang pamilya nang umatras ng kaunti ang asawa at naitulak si Joel sa bangin.

"Jooeeeeellll!!!" sigaw ng asawa.

Bumagsak si Joel sa ilog at mahinang bumunggo ang ulo nito sa bato na nasa ilalim ng ilog. Nawalan ito ng malay at inanod ng ilog. Umaga na ng magising si Joel, nakahandusay ito sa lupa malapit sa gilid ng ilog kung saan ito inanod, ramdam nito ang sakit sa ulo, buti na lamang at hindi direkta itong tumama.

Pagewang gewang ito kung maglakad dahil sa hilo. Ito ay napaluhod. At nakatulala. At napapikit na lamang. Dahil nasa harap niya ngayon ang tribo na kagabi lamang ay humahunting sa kanila. Nawalan na ng pag asa si Joel, naisip niyang wala na din naman ang pamilya nito, at heto pa't nasa harap niya ang kamatayan. Nanatili siyang nakaluhod, nakayuko, nakapikit, at lumuluha. Nagsisisi dahil sa oras na hindi niya naibigay sa kaniyang pamilya.

*swiisshhh*
Narinig niya ang tunog ng saksak at paghiwa ng laman.

Minulat nito ang mga mata. Tinignan ang sarili. Naguguluhan ito dahil walang anumang sugat o saksak ang kanyang natamo. At di kalaunan ay nakita niya ang ulo ng tribo na humahabol sa kanila na nakahandusay sa lupa, pagulong gulong papalapit sa kanyang tuhod.

Tumingala ito, nakita niya ang tatlong katribu na babae.

*BAM!*

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
0

No votes yet

Comments

ukizmahass's picture

Bitin

Fuck the fuckerz!!!

Chong1968's picture

Abangan ang susunod na kabanata

http://pinaychicks.com