Pagbabalik Tanaw sa Pagninilay

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

alekzandreia's picture

This is an old blog. Me and Amber were talking about moving on, dealing with problems and all that jazz. Naisip ko lang ito. And I realized, oh man! May pinagkatandaan naman pala ako! So here goes...
~~~~~~~~~~~~~~~~

Patapos na ang year 2010. I looked back and saw a lot of things. May masaya. May malungkot. May nakaka-in love. May heartbreaking. May nakakapagpangiti. May nakakabanas. May nakakapagpabaliw. May nakakapagpatino. May nakakatawa. May nakakahigh blood. May kaligayan. May katangahan.

Di ako kailanman mangingiming isama sa aking paglalakbay sa buhay ang mga alaala na naipon ko ngayong taon na ito.

Marami sa mga 2010 memories ko na nagdulot ng pagkabanas, inis, at high blood sa akin lalo pa at ang dahilan nang ipinagkaganoon ko ay sarili ko ring kagagawan. Sarili kong katangahan. Sabi ko nga dun sa isa kong post, nag-to-the-highest level ang kashungahan ko sa taong ito. Marami akong bagay na ginawa nang di pinag-isipan. Meron ding pinag-isipan pero binalewala ko ang rational na bahagi ng isipan ko. Nadapa at nakuryente tuloy.

Nagsisi ba ako sa mga katangahang pinaggagawa ko. OO naman. Kung minsan napapisip ako, kung pinakinggan ko lang ang common sense ko, hindi mangyayari ang ganoon. O di kaya ay, kung ganito sana ang ginawa ko, hindi sana ganoon ang kinahinatnan ng mga pangyayari. Pero nangyari na. Ginawa ko na. There is nothing I can do to undo what I did. May natutunan ba ako? MERON. Nang konti. Gusto kong sabihing natuto talaga ako. Pero ipokrita ako pag sinabi ko 'yun. Kasi knowing myself, there is always a possibility that I will make the same mistakes again. Wala eh, slow learner talaga ata ako pagdating sa buhay buhay.

Isa lang ang masasabi kong achievement ko sa taong ito na proud ako. Every time I break down, tumatayo ako, of course with a little help from a lot of helping hands and helping hearts. Hindi ko man mai-apply agad sa buhay ko ang lahat ng realizations ko, I know I am doing my best na hindi na ako mag-take 2 or 3 or 4 sa mga kapalpakan ko.

Higit sa lahat ipinagmamalaki ko na sa kabila ng paulit-ulit kong pagkadapa nitong mga nagdaang taon ay marunong pa rin akong bumangon at tumayo para harapin ang bagong taon ng buhay ko. Umaasa na sa taong ito, mapigilan ko ang patuloy na pagdeteriorate ng utak ko..(hahaha..joke..siya..rewind..)...umaasa na sa taong ito, hindi na ako uulit.:D...umaasa na mas masaya ang mga susunod na araw. Umaasa na ma-apply ko sa buhay kahit kapiraso man lang ng natutunan ko mula sa mga pagkakamali ng nakaraan. Umaasa na sa susunod na pagtatapos ng taon, kaya ko pa ring tumayo kesehodang nakasaklay na ako.

~~~~~~~~~~~~

I still think the same way regarding this matter. Kaya naman aside sa "life is continuous improvement", motto ko rin ang "keep moving forward". And by God, I will keep moving forward even I have to limp or crawl as I go along.

As for hope, sabi ko nga kay Amber, I tend to look for and take the silver lining from those dark clouds.

On that note...cue music...I feeeeeel gooooodddd!!!!

up
0 users have voted.

Comment(s): 2

Comments

IamAmber's picture

Cue in: take a little time baby, see the butterflies colors listen to the birds that were sent to sing for me and youuuuuu Can you feel me?

I feel you, so much. Hay heart and mind?!? Why do you have to be so stupid!

Sweetie, if you're going to be two-faced, at least make one of them pretty (;

Danelle's picture

Life, like us, is a work in progress. :D

*Danelle is under maintenance. Hard hat area. Sorry for the inconvenience. We hope to serve you better. No parking on both sides. Watch out for falling debris. Safety first. Slippery when wet.*

Fuckity fucks! :D

-------

"The greatest deception men suffer is from their own opinions." - Leonardo da Vinci