Bahaghari sa Karimlan ng Dagat

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

jezreel_diaz's picture
Topic: 
Type: 
Language: 

Note: This story is a historical fiction. Although based on a historical setting, the characters and the story are fiction. There are also discrepancies in the timeline like some tribes that have not yet existed during the story. These were done to make the story more interesting. The language and dialects written are mix-up of old and new terms. There will be no sex during this chapter but the next chapters to come will be full of it.

Nakatitig lang si Napisa sa alon na humahampas sa vinta na sinasakyan nya. Pasikat na ang araw. Tumanaw sya sa katig ng vinta, minamasdan kung paano ito sumasayaw sa maitim na tubig. Tuluyan nang sumikat ang araw, lumabas na ang kulay bughaw na kulay ng dagat. Ngunit ang paningin ni Napisa ay puno pa rin ng karimlan. Ibinaling nya ang tingin sa dako pa roon ng katig. Nakita nya ang iba pang mga Badjau, bagaman hindi sila magkatribo ay ramdam nya ang nararamdaman nila ngayon. Magkahalong takot at pagkamuhi. Takot sa maaaring kahinatnan nila. Lalo na sa mga babae. Lalo pa't siya'y babae. Pagkamuhi sa mga Samal Balangingi. Yun ang tawag sa mga pirata. Bagaman hindi mga Samal ang dumakip sa kanila kundi ang mga Iranun.

Tinakpan ni Napisa ang kanyang ilong nang maalala ang mabahong amoy ng mga pirata. Amoy ng pinaghalong tuyong dugo, pawis at katangian ng dagat. Hindi malaman ni Napisa kung bakit, ngunit unti-unting namumuo ang pagkasuklam nya sa dagat.

"Yari na in mga Balangingi," narinig nyang sigaw ng isang bata sa malayo.

Alam nya ang salitang yun. Alam nya na kung saan sila ihahatid, at kung ano ang mangyayari sa kanila. Gagawin silang alipin ng Sultan at ng mga mamamayan nito. Naiisip na ni Napisa ang mga mapapait na karanasang maaari nilang sapitin. Bagaman alam nyang maayos ang kinahantungan ng ibang mga alipin, ay alam nyang matinding kabaligtaran nito ang maaari ring mangyari sa kanila.

Inisip nyang tumalon sa dagat. Inisip nyang lamunin na lang sya ng tubig, kainin ng mga pating. Wala na ring kabuluhan ang buhay nya. Wala na si Khalid, wala na si Bashra, wala na rin ang kanyang ama't ina. Wala nang saysay ang lahat. Mas mabuti pa ang mamatay, kaysa mabuhay na maging parausan ng mga taong dagat.

Nawalan ng ulirat si Napisa, tumama ang ulo nya sa kahoy na sumusuporta sa katig nang nabuo na ang kanyang pasya na tumalon mula sa vinta. Biglang nawala ang lahat ng panganib at pangamba, kasama nya na uli si Khalid.

"Ang tanga mo naman Napisa!" sigaw ni Khalid.

"Madulas kaya!" tanggol naman ng dalagita sa sarili.

"Bata bata ini dagbus!" sigaw uli ng kaibigan.

"Miyatay kaw, isusumbong kita sa ama ko!" banta naman ni Napisa.

"Ambautikus!" ganti uli ng binata.

Nanlisik na ang mga mata ni Napisa, mukhang daga raw sya sabi ni Khalid. Ngunit pigilin nya man ang sarili, kusang nangiwi ang mga bibig nito. Maya-maya pa'y nangilid na ang mga luha. Umiyak na nga ito.

"Wag ka nang umiyak, biro ko lang yun," tinangkang patahanin ni Khalid si Napisa. Halatang pati sya ay nagulat sa mga nasambitla.

Walang anu-ano'y dinakma ni Napisa ang dalag o hito na kanina pa niya di mahuli-huli. Nagulat naman ang binata. At lalo nya pang ikinagulat nang hinila ni Napisa ang kanyang hapit na pantalon at ipinasok roon ang dalag.

"Ahhhh! Ahahaha! Isiyu na in ambau ha uto?" ang mapanlinlang na hikbi ngayo'y napalitan na ng malakas na paghalakhak. Sabay turo sa pantalon ni Khalid habang ang kaliwang palad ay itinakip na sariling bibig nang maalintanang napalakas nga ang kanyang mga pagtawa.

"Napisa! Hain na kaw inda!" sigaw ng isang babae.

"Nandito nanghuhuli ng dalag Bashra! Tinuturuan ako ni Khalid!" sagot naman ni Napisa.

"Kanina pa kayo hinahanap ni ina, parating na raw sila ama maya-maya."

"Alam ko Bashra, ano ka ba, saglit na lang to, nakahuli na nga ako ng isa eh," pangangatuwiran ni Napisa.

"Asan na?" hanap ni Bashra.

"Nandun o sa pantalon ni Khalid, kinagat siguro ang tungtung nya. Hahahaha!"

Bakat ang pagkainis sa mukha ni Khalid. Ngunit natataranta pa rin sya pagpupumiglas ng dalag sa loob ng kanyang hapit na pantalon. Gustuhin nya man, hindi nya makuhang sumigaw dahil gusto nyang patunayan na sya ay isang tunay na lalake at hindi basta nasisindak.

"Arayyyyyy, humanda ka Napisa, mamaya ka lang sa akin," akala naman ni Napisa ay tapos na.

“Arayyyyyy! Ina ko poooooooooooooo!” kinagat pala ng dalag ang kanyang tungtung ayon pa nga kay Napisa. Tungtung kasi ang tawag ni Napisa sa ari ng lalake mula ng magkaisip ito.

“Ano ka na ngayon, ha? Yan ba ang dakilang mandaragat? Takot sa isda? Hahahaha!”

Nabunot na ni Khalid ang dalag, hindi naman talaga sya nasaktan. Nagulat lang sya sa naramdamang kakaiba nang kagatin ang ari nya. Inihagis nya ito kay Napisa ngunit mabilis itong nakailag.

“Bleeeh,” belat ng dalagita, sabay hablot sa kamay ni Bashra at dali-daling tumakbo papalayo kay Khalid.

Naiwang mag-isa si Khalid, may kakaiba syang naramdaman kanina habang kumikiwal ang dalag sa loob ng kanyang pantalon. Kakaibang kiliti. Hinatak nya uli ang kanyang pantaloon, nakita nyang kumikiwal na rin ang kanyang binatang sandata. Naisip nya si Napisa.

Hindi mapakali si Napisa habang tinatahak ang daan patungo sa kanilang tahanan. Hindi sya mapakali. Ngayon lang nya naisip ng dahan-dahan ang mga naganap kanina. Naalala niya nang humulma ang dalag sa loob ng pantalon ni Khalid. Para itong tungtung na ayaw huminto sa kapapalag. Ngunit mas tumatak sa isip nya ang nakita kahit nung tinanggal na ni Khalid ang isda. May nakita pa rin syang pumapalag kahit wala na ito. May kakaibang kiliti syang naramdaman habang iniisip nya ito.

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
3
Your rating: None Average: 3 (3 votes)
up
0 users have voted.

Comment(s): 3

Comments

peach_pie's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

hehe ang weird ng salitaan,pro nice po,relaxing ung story...i wonder tuloy kng pano nga nalaman ng mga tao before how to make love hehe..

+1
-2
-1
Liked This Comment?

"smiling is the second best thing i can do with my lips... :)"

ms_isay's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

tagaytay kuya jezreel :))

nice story po

+1
-2
-1
Liked This Comment?

isay :)

Chong1968's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Nakakalito ang mga ibang wordings...hehehehehehe..pero parang maganda ang kwento...

+1
-3
-1
Liked This Comment?