Tayo

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

Nandito pa din ang mga demonyo.
Pinapahirapan tayo.
Kahit magkalayo na, hindi na nagkikita,
Naalala ko pa kung pano kita iniwang nag-iisa.
Akala ko may babalikan pa ko,
Mali. Hindi ko pala hawak ang iniwan ko.
Andito pa din ang mga demonyo sa loob ko,
Bumubulong ng katarantaduhan—na napakasama kong tao.
Yung demonyong sabay nating binahay sa utak natin.
Na masyado palang lumamon sa kin.
Nandito pa din yung mga demonyo sa loob ko.
Nandyan pa ba yung iyo?
Pakiramdam ko pinapahirapan pa rin nila tayo—
Nahihirapan na tayo.

Sandali..

Nahihirapan lang pala ikaw at ako. Wala nga palang tayo.

(Photo not mine, credits to the owner.)

Blog Tags: 
up
1 user has voted.

Comment(s): 1

Comments

CaptainFriendzone's picture

Wow! May mga makata pa pala dito. 

Matitiis mo ang hapdi. Pero ang kati hindi.


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos