Letter 13 My Worth

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

BoyTumbok28's picture

Lea, 

     Kabayan, kumusta ka na? Malas nga ba ang 13? siguro nga, malas sa akin eh. Sumulat ako pero di ko alam ang sasabihin eh. Di ko alam kung may dapat pa ba akong sabihin. Pero kahit wala na akong dapat sabihin, kelangan sabihin ko pa rin to. 

    Kabayan, buti pa si Empoy nasagasaan wala ng sakit na naramdaman. Bigla na lang siya nawala, sana ako ganon na rin lang. Sana masagasaan na rin lang ako ng bus para tapos na lahat. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero nangako tayong walang iwanan. bakit sobrang biglaan naman. 

      Ano ba talagang halaga ko? Pilit kong iniisip ang sagot? Pakiramdam ko posporo lang ako na pagkatapos naubos yung dulo itatapon na lang. Or isang laruan na kapag nagsawa ka na isasang tabi na lang at babalewalain. Sa totoo lang hindi ko na maintindihan. May nagawa ba akong mali? 

    Patawad kung hindi ko nagawang mas mapaniwala ka sa kung anong meron  tayo. Patawad kung hindi ko nagawang mas kumapit ka sa sitwasyon natin. Sana lang naniwala ka sa akin na tayo hanggang dulo. Hanggang wakas. Patawad mahina ako. Patawad ako ang mali, kasi i dragged you sa bagay na mula pala sa umpisa hindi mo kayang tanggapin.Sa bagay na hindi mo kayang panindigan. Sobrang sakit pero di ko alam kung may magagawa pa ako. 

                                                       Tonyo

PS

Bkit?

PSS

Bakit?

 

up
1 user has voted.

Comment(s): 0


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos