Si Sheila ang Tibo ( primer lang po plzz koment )

Type: 
Language: 

Ako nga pa si Danilo at ang kwento kong ito ay ngyari sakin noon 17 years old ako namasukan ako sa isang medyo mayaman na taga Mandaluyong. Medyo nakakailang dahil and boss ko ay kabilang sa ikatlong lahi (3rd sex) ika nga. Masaya sila kasama at parang di sila boss kung makisama sa amin mga tarbahador nila. sa grupo namin ay lima kami at may kanya- kanyang mga posisyon sa trabaho ako ay na atasan sa pag mimintina nga hardin yung iba drayber at alalay ng aming mabait na boss. Meron akong naka close na katrabaho noon mga panahong iyon at yon si tiyo Max, siya ang drayber ni boss sa mga out of town na mga lakad niya at mga 10 taon narin naninilbihan noon dumating ako sa trabaho kong iyon. At dahil sa kanya nakilala ko si Sheila. Pamangkin siya nito at nag layas daw sa mga magulang dahil di raw matanggap ng mama niya na siya ay tibo. Mabait at maasahan sa trabaho si Sheila na lagi kong nakakasama sa loob ng bakuran dahil di alam ng boss ko kung anong magiging posisyon niya sa trabaho namin dahil siya ay babae at di pwedeng magbuhat ng mabibigat. I-desribe ko ng konti si Sheila. Siya ay maputi at balingkinitan ang katawan at may taas na mga 5'4 sa tantiya ko at may mabibilog sa pwet at dib-dib maamo ang mukha at di mo aakalain na sanay sa trabaho. Kung di lang siya medyo maangas maglakad at mag salita ay di mo aakalain na siya ay tibo. May mga kasama nga ako na pilit siyang pinopormahan at nagliligaw ngunit laging nganga sa kanya dahil pagnakukulitan siya ay sinasapak niya ang mga ito sa mukha. Dun ko napansin na kakaiba talaga siya sa mga babae na nakilalako na konting puri lang sa ganda o kaya ay tapunan ng pansin ay nagpapaligaw agad. Minsan nga ay napagkatuwaan naming magboksing yung bang katulad sa mga pistahan sa mga bayan na bibigyan lang ng gloves at matira matibay ang labanan. Di lahat ay sumali sa katuwaang ito at kabilang na ako dahil nakakailang. Di ko lang maunawan at bigla siyang sumali. Suma tutal siya ang nanalo sa labanang iyon. Na awa ako sa mga nakalaban niya puro sapol sa mukha na di nakakaganti man lang at tawa ako ng tawa sa kapapanood noon at nanood din yung boss namin sa laban niya at tuwang tuwa ito. Simula noon naging permanenteng kasama namin si Sheila sa mga lakad ni boss trabaho nga pala ng boss ko ay architect yung bang gumagawa ng plano sa mga bahay at may mga ibat'iabng negosyo rin siya na kasama yung mga kaibigan at kamaganak niya so in short lagi kaming busy sa araw-araw at may mga araw din kami ng pahinga tuwing linggo. sa mga araw na yun ay ang mga kasama ko ay umuuwi sa kani-kanilang mga bahay at iilan lang kaming naiiwan sa mansion ni boss. at sa mga araw na iyon kami nagkakaroon ni Sheila ng pag kakataon na magusap.

Pre, kumasta yun mga lakad nyo ni boss? tanong ko.
Medyo nag kaproblema lang ng konti si boss sa mga contractor na gumagawa ng project niya sa Batangas at magtatagal daw siya doon ng 2 linggo, sabi niya.
Oh so, parang bakasyon mo yung dalawang liggo na yun dahil di ka makaksama sa mga lakad niya .... mukhang ok yun para sayo.
oo nga eh kaso di naman ako makauwi dahil galit parin sakin yung mama ko. Hump! bat di kasi niya ako maintindihan lagi nalang niyang pinipilit sa kin na magpaka babae daw ako. sabi pa niya.
Lam mo pre, kung ako sayo palipasin mo muna yung galit sayo ng nanay anak na nun di ka nun matitiis. Payo ko naman sa kanya.
Buti ka pa di ka kamukha ng mga manyak natin na kasama puro buladas at pag papacute ang ginagawa mga feeling gwapo kung umasta sabi pa niya.
Alam mo pre' tutal liggo naman ngayon shot tayo ng konti para gumanda ang kwentuhan natin suhestiyon ko sa kanya noon.
Sa madaling salita naging kabarkada ang turing sakin ni Sheila at misan ay mapaghihingahan pa ng sama ng loob tuwing nagaayaw sila nga mga nagiging syota niya.
Laging nalang niyang bukang bibig na lagi nalang siyang iniiwan ng mga syota niya dahil sa lalaki na misan ay nakakarindi narin dahil lagi niyang minamaliit ang mga kalahi ni Adan. Nasabi rin niya na kung ano man ang kaya ng lalaki ay kaya rin umano niyang gawin. Minsan habang nag iinuman tuwing liggo ay naungkat nanaman ang usaping iyon na kinarindi ko at siguro dahil narin sa ispiritu ng alak ay hinamon ko siya na ipakita niya sakin ang ipinagmamalaki niya. Inaya niya akong mga boksing kami pero di ko sya pinatulan dahil nga babae siya at sa tanang buhay ko wala pa kong ni isang sinaktang babae. Kso sobrang kulit niya kaya pinilit kong tumalikod para iwasan ang hamon niya ng boksing ng may kumalabit sakin at pag harap ko ay tumama ang isang malakas na suntok mula sa kanya na sumapol sa pag mumukha ko medyo nandilim ang mga mata ko at bunuhat ko siya at na ihagis sa may pool. Problema nga lang nakalimutan kong di pala sya marunong lumagoy kaya nag mapansin ko na parang malulunod na siya ay tumalon ako sa pool para sagipin siya nag mai-ahon ko siya ay wala siyang malay-tao. Kinabahan ako dahil ilang beses kong tinang kang gising at tawagin ang pagalan niya ay di malang nag karoon ng ulirat. Tumakbo sa isipan ko ang mga pwedeng gawin na first aid para sa mga ganitong pagyayari at naalala ko yung mouth to mouth resussitation. Yung bang ililipat mo yung hagin na hinigop ko at puwersahan mong ibubuga sa bunganga. Bantulot ako na gawin iyon sa kanya dahil alam ko kung pano magalit sya pag halimbawa malaman niya na may nagtake advantage sa kanya. Pero mas nanaig yung takot ko na mamatay siya kay nasabi sa aking sarili na bahala na. Tiningnan ko yung kanyang mga labi at isinagawa ang first aid na yun at parang himala na nairevive ko sya masaya na natatakot ako sa nagyari dahil alam ko na ang ugali niya pero parang nag iba ang hagin dahil ang inaasahan kong reaksyon niya ay di lumabas bagkos ay yumakap siya sakin at nag pasalamat ng mahimasmasan......itutuloy.

Author's notes......
bago lang po akong nag share ang aking story at wag kayong mahiyang mag comment at mag critique sa aking na sulat na ito. Ikatutuwa ko po ang inyong mga feed backs at suggestion para mapaganda ko pa ang aking pasusulat Thank you po.

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
0
No votes yet
up
0 users have voted.

Comment(s): 3

Comments

weedzy crime's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

sege brad' tuloy mo lang
ganyan din ako mag sulat dati'

masasanay ka din,

+1
0
-1
Liked This Comment?
ayen015's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet
+1
0
-1
Liked This Comment?
ayen015's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

ganda ng story mo sir kaabang abang

+1
0
-1
Liked This Comment?

PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos