KAMUNDUHAN 64

Topic: 
Type: 
Language: 

64

At kinaumagahan ngang iyon sa bahay ni Dra. Arnie, lumabas nang silid si Gary na nakaimpake na ang gamit at sa paglabas niyang iyon ay inabutan nito sa kusina ang tatlo nina Dra. Arnie, Kyla at ang asawa ng ginang na si Rey. Dito'y agad na inimbitahan ng ginang ang binata na sabayan silang mag-agahan at may hiya pang naupo ang binata.

Dra. Arnie: oo nga pala hon, si Gary nga pala pamangkin ni mareng Gina! siya 'yung naglinis at nag-ayos nang hardin natin! (bungad nito sa asawa)

Rey: ganon ba? (maikling sagot nito sa asawa) mahusay ka pala iho sa paghahardin, nagulat nga ako kanina pagkagising ko at napakamaaliwalas at napakalinis ng hardin! (saad naman nito sa binata)

Dra. Arnie: sinabi mo pa hon, napakahusay talaga ng batang 'yan! (nakangiti naman nitong muling tinuran habang nakatanaw ito sa binata)

Ngumiti lang naman si Gary at batid nito kung ano ang tinutukoy ng ginang, tahimik lang namang pinagmamasdan ni Kyla ang dalawa. Maging ito man ay alam ang nilalaman ng sinabi ng kaniyang ina, saglit pa'y nagpatuloy lang ito sa pagkain.

Gary: ahm, hindi naman ho ganon kahusay sir. May nalalaman lang ho...(aniya naman nito kay Sir Rey)

At sa gitna nang pag-aagahang iyon ay dito naman inabutan ni Dra. Arnie ang binata ng pera sa halagang apat na libong piso, bahagya pang nagulat si Gary. Sapagka't para sa kaniya ay napakalaking halaga no'n.

Gary: ang laki naman ho nito doktora?! (wika nito sa ginang)

Dra. Arnie: ayos lang 'yan iho...(tugon naman nito at sa puntong iyon ay dito naman nagsalita ang dalaga)

Kyla: oo nga pala mom dad, isasabay ko na ho si Gary at ipahahatid ko na lang ho siya kay Mang Erning kina tita Gina! (usal nito sa ama't ina)

Rey: o sige walang problema, salamat nga pala ulit iho sa pag-aasikaso mo sa hardin ng asawa ko! (at napangiti namang bigla si Dra. Arnie sa tinuran ng asawa)

Gary: wala ho 'yun sir okey lang ho...(tanging tugon naman nito)

At pagkaraan nga ng agahang iyon ay dito na tumulak palabas ng bahay ang dalawa nina Kyla at Gary, may ngiti naman si Mang Erning nang agad niyang masilayan ang dalaga nguni't agad naman itong nabawi nang matanawan din nito ang binatang si Gary.

Kyla: Mang Erning, isasabay na ho natin si Gary at ihatid niyo na rin ho siya kina tita Gina! (turan nito sa matanda nang makalapit na ito)

Mang Erning: sige ho ma'am, hatid ko muna ho siya bago ho tayo dumiretso sa opisina niyo! (sagot nito na halatang may binabalak na naman sa dalaga na hindi naman nakaligtas dito ang ibig ng matanda)

Kyla: hindi ho, ihatid niyo muna ho ako sa opisina! (giit nito)

May pagkadismayang kumilos naman ang matanda dahil sa nadinig nito buhat sa dalaga, hanggang sa dito na sumakay ang tatlo.

Samantala, papalabas na ng bahay ang ginang na si Mrs. Gina nang dumating bigla si Rochel at bahagya pa niya iyong ikinagulat nito.

Mrs. Gina: oh Rochel, nandito ka pala?! (bungad nito sa babae) maayos na ba nanay mo? (dagdag pa nito)

Rochel: oo ate Gina, kaya naisipan ko nang pumasok ngayon! (tugon naman nito)

Mrs. Gina: o e pa'no, ikaw na munang bahala dito? aalis na 'ko...(aniya nito) oo nga pala, wala nga pala dito si Gary, na kina Dra. Arnie pa pero mamaya lang nandito na siya; ngayon na din naman ang uwi niya e! pa'no, maiwan na muna kita! (pahabaol nito kay Rochel)

Rochel: sige ate Gina, ingat ka na lang po...! (sagot naman nito)

At dito na tumuloy ang ginang at pumasok naman sa loob ng bahay si Rochel upang simulan na nito ang kaniyang trabaho. At nang mga sandali namang iyon, sa basement sa parking area sa gusaling pinapasukan ni Kyla. Sa paghinto nang sasakyan ay agad na bumaba ang dalaga at muli nitong ipinaalala kay Mang Erning ang paghatid kay Gary at maya-maya pa'y, si Gary naman ang siyang hinarap nito.

Kyla: oo nga pala Gary, mga minsan nga pala puntahan kita kina tita at may gusto akong linawin sa'yo! (at dagliang nagtaka naman ang binata sa sinabing iyon ng dalaga) sige, pasok na 'ko...

Sinundan na lang nang tanaw ni Gary ang magandang dalaga ng may pagtataka habang may pagnanasa namang pinagmasdan ng matanda ang maalindog na katawan na iyon ng dalagang amo. At ilang sandali pa, sasakay na sana nang sasakyan si Gary nang saglit itong pigilan ng matanda.

Mang Erning: sandali lang Gary, mag-cr lang akong madali bago kita ihatid! (tinuran nga nito sa binata)

At habang naglalakad na ngang papalayo ang matanda ay dito na nag-isip ang binata at pagdaka'y kinuha nito ang bag niyang nakasukbit sa likuran niya at binuksan niya ito at pagkaraan niyo'y muli niyang nilingon ang matanda. At sa loob nang cr na iyon, habang tahimik na umiihi si Mang Erning ay may pasipol-sipol pa ito, mag-isa lang ang matanda nang mga sandaling iyon sa loob. Hanggang sa isang lalake ang biglang pumasok nang may ingat at hindi iyon namalayan ng matanda. At buhat nga sa pagkakatayong iyon ng matanda ay dito na niya biglang naramdaman na tila may taong nakatayo sa kaniyang likuran at nang lingunin niya ito ay mabilis siyang binigwasan nito ng suntok sa mukha.

itutuloy -

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
5
Your rating: None Average: 5 (1 vote)
up
0 users have voted.

Comment(s): 8

Comments

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

idol ko talaga tong si gary! probinsyano pero lahat ata ng taga maynila tinuhog! hahahaha

+1
0
-1
Liked This Comment?
angelsano1's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

ayan na ang ganti ng api hahahaha

+1
0
-1
Liked This Comment?

Savour the moment while it last

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Si Gary na ang burat ng bayan basta may butas gurang man pinapatos. Sana sa aso naman.

+1
0
-1
Liked This Comment?
cutiegurl's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Nice

+1
0
-1
Liked This Comment?

cutiegurl

leonardg's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Bitin ulit. Haha

+1
0
-1
Liked This Comment?

Leonard,

Chong1968's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Yari si mang erning...

+1
0
-1
Liked This Comment?

PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos