Because Libog is Real 4

Topic: 
Type: 
Language: 

Itinaas ko ang aking mukha ng marinig ang pagsitsit at pagtawag sa pangalan ko. Si Elaine, officemate ko, ang siyang may ari ng tinig na pumukaw sa akin.

“Oh, bakit?”, nakangiti kong pagbaling sa kanyang direksyon.

Close kami ng babae lalo na’t siya ang nag-refer sa akin sa trabahong ito. Minsan nga lamang ay hindi ko masakyan ang trip na kung sino sinong foreigner ang idinidate. Sa edad na beinte y tres at seksing pangangatawan ay di mo aakalain na tatlo na ang anak ng bruha.

“May nag-send sa akin ng friend request. Upon checking his profile, friend mo siya sa fb.”

Napakunot-noo ako. “Anong pangalan ba?”

“Zedrick Torres. I-accept ko ha, cute ni papakels. Wagi ang fez. Hihihi”, maharot nyang sabi.

“Ahh okay.” Pabale-wala kong sabi at pilit ibinalik ng atensyon sa ginagawa.

Almost two weeks na pala after nung may mangyari sa amin. Madalang ko na replyan ang kanyang mga chat lalo na’t nakabalik na si Gerald from Cebu. Medyo makulit na din at naiirita ako. Lalo na minsan na maraming tinatapos na reports at sasabayan ako sa pag-iinarte na ang tagal ko magreply. Feeling boyfriend ang peg. Tsk.

“Ate Kit, hokage pala ‘to eh. Nag-aaya na magdate. Grabe sya!”, natatawang sabi ni Elaine.

“Kung feel mo naman why not di ba? Mabait naman yan”, I frankly told her at kung di napigilan ang sarili ay idudugtong ko pa na, “Good din naman ang performance sa bed”. Sarkastiko akong napangiti at di na siya kinausap.

Alas-dos na ng madaling araw ay naririnig ko pa ang maharot na paghagikhik ni Elaine. Naiirita man ay pilit kong dinadivert ang atensyon sa pagbabalanse ng mga ginagawang reports. Pansumandali kong sinilip ang facebook ko. Ni kahit notifications ay wala. Pati messenger. Tahimik ng mundo ko ngayon. Ang daming online pero mapipili ang may sense kausap. At wala din naman ako sa mood makipag-usap.

Nakita ko ang pagtayo ni Elaine at tumungo ng cr. Pasimple kong tiningnan ang kanyang monitor. Ka-chat nga si Zed. Bwisit na lalaki. Effort feels ang peg ha. Charmer is real. Patay-malisya akong tumayo at kumuha ng tubig sa dispenser ng maramdam kong palabas na ng cr si Elaine.

“Ate Kit, tinatanong pala ni baby if pwede daw na kasama ka pag lumabas kami. Kasi para daw may neutralizer kasi magkakailangan pa daw sa first meet-up eh.”

“Sinong baby?” Loading ang utak na tanong ko sa kanya. Then it suddenly hits me. Baby na agad ang tawagan ng dalawa! In a matter of what… four hours?! Iba na talaga galawan ngayon eh. “Wow ha di man lang kayo nagpabukas, official baby na agad? Hahaha.” Naaliw at nainis ako at the same time. Ayos yan magbolahan kayong dalawa. Parehas naman kayong hokage.

“Eto naman yaan mo na, titikman ko lang yan. Alam mo naman na ayaw ko sa “balot’penoy”, nakatawa niyang saad.

“Uhhmm..” muntik ko ng maibuga ang iniinom kong tubig sa sagot nya. Ayaw nya nga pala ng mag-dyowa ng Pinoy. Puro pinoy kasi ama ng tatlong anak niya. At lahat iniwan lang siya.

“Hey, gagawin nyo pa akong chaperone ha. Ano kayo teenagers?”,sagot ko ng maalala ang tanong niya.

“Hala! Sabi ko na kasi na oo na dahil ako na ang kakausap sayo. Sige na saglit lang naman tayo”, nagmamaktol niyang turan.

Napakamot ako sa leeg habang nag-iisip ng isasagot. Tsk. Nakakahiyang tumanggi sa taong dahilan kung bakit ka may trabaho sa ngayon. At nakakainis na alam mong wala kang choice.

“Sige na, 2 hours lang ha. At isasama ko si Gerald. Kelan ba?”

“Bukas ng gabi. Sabay naman off natin eh.”

“Wow, girl planado na pala lahat eh noh”, napapailing kong wika.

“Teka, hindi ba nakakahiya kay Kuya Ge? Baka sabihin nun ang harot ko. Eyeball eyeball pa”, nag-aalala niyang sabi.

“Aba naman! Di ako sasama pag di sya kasama. Final answer na yun!”, mariin kong sabi at bumalik na sa sa aking ginagawa. Nilibot ko ang paningin sa loob ng opisina. Busy-busyhan ang lahat. For all I know, puro fb at youtube naman ang iniintindi. Parang wapakels naman sila sa usapan namin ni Elaine.

Pagsilip ko ulit sa fb ay may message na. Si Zed.

“KJ mo talaga, wag mo na sama bf mo nakakahiya!”

“Wew, like a boss makapagdemand ha. Edi kayong dalawa na lang. Para kang tanga bakit need pa ko akayin dun aber?”, paarogante kong reply sa kanya.

“Okay lang yun ikaw lang sumama. Saglit lang naman tayo, magpapagwardiya ka pa sa bf mo.”

“Simple lang yan, either we go or we don’t. Together. Look, you’re both consenting adults na. May sapak ka din e noh. Date nga yun tas gusto mo pa ng third wheeler?”

“Gusto lang din naman kitang makita. Sungit mo talaga. Porke natikman mo na ko ganyan kana ha Kit?”

Hindi ko mawari sa message nya kung biro o may halong tampo ba yung pagkakasabi niya ng ganun. Ugh, that’s what the problem in chat. Di mo kasi alam kung anong tono ba talaga babasahin ang mga salita.

“Pwede ba tukmol, don’t you act na para bang minolestiya kita e kulang na lang literal na tumirik yang mata mo last time. So don’t me ha. Don’t me.”

“Oo na sige na. Bukas ng gabi ha. Walang late.” Paalala nya sa akin.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Napapalatak ako habang binabasa ang text messages ni Zed. Nasa may tapat na daw ng McDo ang bruho. Naghihintay kay Elaine na manggagaling sa Tayuman Station. Quarter to six na. Boy scout talaga. Wala pa si Gerald dahil may mga tinapos pang papeles at on the way pa lang daw.

Alas sais ng gabi ang napagkasunduan namin para kung magkanya-kanya na ng lakad ay mahaba pa ang oras. Tinext ko si Gerald na dun na dumiretso ng baba. Tutal ay naka-casual naman siya ng pumasok. Panay na ang pagtext ni Zed na puntahan ko na sya habang hinihintay ang dalawa pa. Bale-wala kong nilapag ang aking cp at naligo sa cr. Sampung minuto pa ay nakagayak na ako. Di ako mahilig sa kahit anong kolorete sa mukha. Face powder lang at lip balm ay nakokontento na ako. Ayaw kong gawing coloring book ang fez ko. Well nasa nagdadala daw yun. At di ako magaling magdala. Sumubo siguro oo. Hahaha.

Matapos magwisik ng pabango ay dali na akong umalis ng bahay. Naka-long sleeves na black and white checkered ako na pares ng shorts na maong at naka-gray na sneakers. My usual getup. Maliit na slingbag naman ng CLN ang nakasukbit sa balikat ko.

Pagdating ko sa McDo ay naabutan kong magkasama ng nakatayo si Zed at Elaine. Aba at naka highheels ang bruha. Polo shirt na red at faded na maong naman si Zed.

“Hey!”, untag ko sa kanila dahil pareho silang nagdudutdot ng cp. Nagkakahiyaan? Weh.

“Ay,lintek! Andito ka na pala! Inuugat na ko dito.” Exagg na sabi ni Elaine. “Buti na lang cute tong katabi ko.Hihihi”

“Harot! Mamaya magcheck in na kayo pagkatapos kumain”, prangka kong bigkas at pabirong sinuntok sa braso si Zed na pilit ang ngiting nakamasid sa amin. “’Nyare tol?”, naninibago kong sita sa kanya.

Pormal siyang tumingin sa akin at bahagya ng ngumiti. “Asan na dyowa mo, tagal ha? Paimportante.” Pasuplado niyang sabi.

“Eh talaga naming importante yun. Para sa akin.”, paismid kong wika. “Gusto nyo mauna na kayo. Susunod na lang kami. Malapit na daw sya eh.”

“Malapit na pala edi antayin na natin”, sabi ni Elaine. “Nakakahiya kay Kuya Ge. Uhhmm, ganyan talaga kayo mag-usap? Parang laging magsasakmalan ah.”

Gusto kong sagutin na tapos na magsakmalan kaya’t tninikom ko ng mariin ang aking bibig. Napangisi naman si Zed sa narinig. Alam kong iisa ang iniisip namin kaya naman tinaasan ko na lamang siya ng kilay. Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang pag akbay sa akin ng kadarating pa lang na si Gerald. Hinalikan nya ko sa pisngi at tinanguan ang dalawa kong kasama. Pumara siya ng taxi at sumakay na kami papuntang MOA (Mall of Asia).

Napagdesisyunan naming kumain sa Cabalen. Magana kaming naghapunan ng bulalo, bistek at canton na fave ni Gerald. Panaka-naka kaming nagkukwentuhan habang kumakain kaya’t halos isang oras bago kami lumabas ng naturang kainan. Napansin ko na kumibo dili si Zed sa durasyon ng pagkain. Sumasagot lamang ito pag tinanong ng diretsahan. Sinabi ko naman kay Gerald na it is only a friendly date at naisipan ko lang din magchill. Alam naman nya na ako talaga ang kakilala ni Zed.Paminsan ay tinutudyo ko ang dalawa upang mapagaan ang ambiance. Nahuhuli kong minsan ay nakatitig si Zed pag sinusubuan ako ng pagkain ni Ge ngunit pinagkasadya sadya kong di pansinin dahil sa kasama ko ang aking boyfriend.

Inaya ko sila na mag-shot saglit sa Gerry’s grill at pagkatapos ay okay na magkanya kanya kung may lakad pang iba. Prente akong nakaupo katabi si Gerald at kaharap ang dalawa habang umiinom. Pinaalalahanan ko na ang sarili na dalawang bote lang ang limit ko. Baka magkalat ako bigla. Hahaha.

Paulit ulit lang ang naririnig kong usapan kaya’t nang maubos ko ang unang bote ng beer ay nag-aya akong maglaro.

“Truth or Dare!” natatawa kong wika habang iniikot ikot ang bote sa aming harapan.

“Kaya pala ang bilis mong tumungga e may naisip kana naman gawin”, playful na untag ng bf ko saka marahang pinisil ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa.

“Hoy! Walang forever wag kayong mang-inggit”, sabi ni Elaine sabay tapik sa magkahugpong naming kamay.

“Ayan na forever mo bes, dinalhan na kita”, tukso sa babae saka nginisihan si Zed.

“Puro ka kalokohan”, malamyang sagot ng lalaki sabay tungga sa hawak na beer.

“Sige na, bawal KJ dito di ba?”, sabay paikot sa bote. Naghintay sa pagtigil nito at pagtapat kay…Elaine.

Napahagalpak agad ako ng tawa di pa man. Pinili nya ang Dare. Inutusan ko syang lapitan yung magbf na nasa bandang unahan namin at magpakilalang other girl ng lalake. Kuntodo tawa din siya sa kabaliwan ko pero di sinunod ang utos ko. Iba na lang daw at baka makalbo siya nang di oras.

Pinasayawan ko na lang si Zed sa kanya at this time ay tumalima agad ang loka. She dance gracefully at tumatawang nakamasid lang kami sa kanya habang namumula naman si Zed. Ilang segundo lang ang itinagal dahil tumingin na din ang ibang nasa mesa. Well, she surely can dance. One thing na di ko magagawa. Hahaha..Kanya-kanyang talent lang talaga yan. I know na magaling din kumanta ang babae. Lalo na modern song. Uhuh, I can sing too. Ibang aspeto nga lang ng pagkanta. Bwahhahaha…

Patuloy lang kami sa pag-inom at manaka-nakang kwentuhan. Pinaikot ni Elaine ang bote. Tumapat ito sa akin. Truth ang pinili ko at muntik akong mapaubo ng magtanong siya,” Have you ever cheat?”

Pasimple akong tumawa at sa paiwas na sagot ay sinabi,” Sa exam ba? Never noh! Studious ako eh.”

“Arrggh, come on! You know what I’m talking about!”.

“Next question please”. Pinal ang tono kong sagot saka siya pinandilatan ng mata.

“So, it’s a yes?” Nakakaloko niyang dagdag saka tumawa. Napailing-iling na lang ako saka tumungga ng alak.

Pinaikot nya muli ang bote at tumapat kay Gerald. Truth din ang pinili nya.

“Will you forgive te Kit if ever na magcheat o nagcheat sya sayo?”

“Ayokong magsalita nang tapos coz it’s kinda hard, but I guess I will.”, diretsang sagot niya saka ako inakbayan.

“Ugh, patola ka dyan kay Elaine nambubwisit lang yan dahil walang lovelife.” Pabiro kong untag kay Ge habang palihim na sinulyapan si Zed. Di ko mawari ang iniisip nya.

Alas-diyes y medya na ng mag aya akong umuwi. Di talaga ako mahilig sa nightlife. I could have stay a little longer kung hindi ko kasama ang bf ko but then I want to give time sa bagong magkakilala. Sinabihan ko na sila na mauuna kaming umuwi ni Gerald and they enjoy themselves na lang.

Nagulat ako ng sabihin ni Zed na sasabay na din sila pa-Lrt. Binayaran nya ang bill at pagkuwan ay tumayo na. I could clearly sense na disappointed si Elaine but still she manage to smile sweetly at him saka umabrisiete na sa lalaki. Napapaisip na tumayo na din ako nang hawakan ni Gerald ang kamay ko. Naririnig ko ang mahina nilang pag-uusap ng mauna kami ng ilang hakbang sa kanila. I could feel the stare behind me at ng lumingon ako ay seryosong pagtitig ni Zed ang sumalubong sa akin. Tumuwid ako ng lakad at di na lumingon muli.

Pagdating sa Lrt Station ay bumaba na nang taxi ang dalawa dahil dun ulit sila maghahanap ng sasakyan pauwi. Kung uuwi nga ba sila. Hinalikan ko sila sa pisngi parehas bago bumaba saka pinaalalahanan mag-ingat sa daan.

Pinadiresto ko ang taxi hanggang sa bahay namin. Napansin ko din ang biglang pananahimik ni Gerald pagdating sa bahay ngunit di ko na pinagtuunan ng pansin. Baka napagod lang. Whatever. Sumalampak ako sa sofa habang hinuhubad ang suot kong damit. Tinapat ko ang aircooler sa akin at kinapa sa bag ang cellphone ko.

May message sa akin mula kay Elaine. Nakasakay na daw ulit siya ng taxi.

“You mean, kayong dalawa? Saan ba ang raket?” Pasimple kong urirat sa kanya.

“Ako lang mag-isa. Isinakay na ko sa taxi ni Zed, magrereklamo pa ba ako eh mukhang wala sa mood. Pa-monumento din naman di pa sumabay!”, halata ko ang pagkainis sa kanyng reply. Sanay siyang nasusunod ang gusto nya. Lalo na pag tipo niya ang lalake.

“Ano ka ba, malay mo napagod lang. Maybe next time its much better if kayo lang dalawa”.

“Sus, kung may next time pa. Mukhang ayaw naman sa akin. Choosy pa bwisit”, asar pa din na reply nya.
“Oh siya, chill. Maligo lang ako ng makatulog na. Ingat ka”, sabi ko ng di na humaba ang usapan.

Pumasok ako sa kwarto at dun itinuloy ang paghuhubad. Umupo ako sa kama kung saan nakahiga na si Gerald at dinig ko ang tunog ng nilalaro niya sa cellphone. Tinanggal ko ag foot socks at kinakalas ang kawit ng aking bra nang dumampi ang labi ni Gerald sa balikat ko.

“Hey, hey! Maghalfbath muna ko.”

“Okay”. Maikling sagot niya. Kinuha ko na ang tuwalya at akmang lalabas na ng kwarto ng marinig ko ang marahan nyang tinig.

“’Know what… I think he likes you.” Magaan lang ang pagkakasabi ng mga salita ngunit tila pinako ako sa aking kinatatayuan.

“Anong sabi mo?” Natitilihan kong sabi saka lumingon sa kanya.

“Si Zed. I think he likes you. Uhm, sana nga mali ang hinala ko. But the way he looks at you, I doubt. Really.”

“Ang dami mong napapansin babe, ‘tsura ko naman noh!”, pabiro kong sagot kahit na kinakabahan ako.

“Hey, never underestimate yourself. You’re great okay? Kala mo lang hindi.”

“Susme, nambola pa. Lika sabay na tayo sa shower. Iligo mo na lang yan. I mean, paliliguan kita”, pilya ko siyang nginitian saka hinila sya papasok sa banyo.

Mukhang magiging mas mahaba pa ang gabi kaysa sa inakala ko. Di man kami pumunta ng disco para sumayaw, malamang ay mas masarap na indayog ang magaganap ngayong gabi…

ITUTULOY…

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
3
Your rating: None Average: 3 (3 votes)
up
0 users have voted.

Comment(s): 25

Comments

tagapalo's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

sama ko haha ;) sundan po kagad ^^

+1
0
-1
Liked This Comment?

Love is a Drum. You should never miss a beat.

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

sa pagdaan at pagreview hehe. i hope di ka nabored haahaha

+1
0
-1
Liked This Comment?
whinterwol's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

So erotic hahaha! The anticipation :) Keep going please! Next na!!! :D

+1
0
-1
Liked This Comment?

good boy!

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

lang bes.. may hangover pa e hahaha

+1
0
-1
Liked This Comment?
exmeeen's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Rapbeh. Hahahaha.

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

na naman? ugh rapbeh is heart heart na haha

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

NEXTTTTTT

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Hhmm padaan lang Mam. Interesting story po. Ngayon curious ako kung ano nga ba ang mangyayari dahil nagdududa ang iyong Babe. Hanggang sa susunod Mam.

+1
0
-1
Liked This Comment?

Thank You for your story or update!

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

cge lang.. daan lang bes, dahan dahan ha madulas pa naman ang daan :P

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Dahan dahan ba Mam? Naku may need for speed ako Mam. Pasensya na kung marahas ang pagdaan ko. Pero again magandang ero-comedy ang kwento nyo Madam.. hanggang sa susunod na pagdaan ko..

+1
0
-1
Liked This Comment?

Thank You for your story or update!

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

I feel great whilst reading.. Nice delivery and twist --iba ka talaga bes.

SPEECHLESS!! Youre really a good writer..

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

talaga bes. ikaw talaga.. wag mo galingan pambobola baka maniwala ako hihi
btw, thanks sa pagdaan.. sa uulitin bes haha

+1
0
-1
Liked This Comment?
ukizmahass's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Nice, nxt pls :)

+1
0
-1
Liked This Comment?

Fuck the fuckerz!!!

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

my co-readers.. may hangover pa eh! hehe thanks for reading!

+1
0
-1
Liked This Comment?
Chong1968's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Otor, hot mo kasi kaya madami ang nagkaka interes sayo...

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

ang hot ng story ko.. hindi literally na ako hehe

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

putang ina ginamit pa ang usong comeback is real!!! comeback israel ni meniski !!! hayop !! bopols na gamer ceguro nagsulat ! gago! dota 2 rocks !

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

hey, EVIL GENUISES wala akong kinalaman sa dota kuya ha.. wag kang ano. hahaha
baka basher is real ang peg mo. wahahahaha kaloka to. ilabas mo na lang yang init ng ulo mo, nasarapan ka pa. hahaha

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

whoever u are, if u don't like what u read, then at least have the decency to just shut up na lang okay? im not even soliciting for your opinion. napakadali para sayo mag leave ng comment just like that, u dont know what effort i did put to come up with this so kung wala kang sasabihin maganda, manahimik ka or better yet, ikaw magtapos nitong sinusulat ko, jakulero!

+1
0
-1
Liked This Comment?
EyeSetToKiss's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

hey easy..just ignore and leave his own feelings to himself. nakaraos na yan kaya ganyan or maybe nabitin. lol. next chapter.√

+1
0
-1
Liked This Comment?

"but the SCARS they still remains FOREVER."

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

easy pa ko nyan be.. hahaha anyways ill post it later tonight. thanks for the encouraging words. basahin mo na lang maya yung resulta ng ngitngit ko ahaha

+1
0
-1
Liked This Comment?

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

when it's getting late, but not late enough to enjoy the night. . ;)
great delivery, sis. .
U could be, PSE's EROCOM (EROTIC COMEDY) queen. .
^.^

+1
0
-1
Liked This Comment?

~just a reader~

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

sa pagdaan at suporta! hahahah hope u continue reading!

+1
0
-1
Liked This Comment?
EyeSetToKiss's picture

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

haha..ngitngit talaga? hahaha...baka mag ala ABBIE TOLENTINO ka ah..hahaha o baka nmn ANNE MATEO? lol sige antabayanan ko..kahit na ako ang PINAKA late na PSE reader dito. hayaan mo na mga negatibong opinyon o comments, mga pabebe yang ganyan.

+1
0
-1
Liked This Comment?

"but the SCARS they still remains FOREVER."

My Rating for this Story: 
0
No votes yet

Ganda ng s2ry mo otor ok na olright he3.solve ganda parang teleserye na masarap abangan
He3 salamat sa story otor more power to you.always take care of ur self he3 ingat always
Para lagi me update he3.

+1
0
-1
Liked This Comment?

PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos