Submitted by MalibogGirl on Mon, 2023-02-13 14:02
Ang mga pangyayari na ikukuwento ko ay maaring hindi tutuong pangyayari dahil ipinagtapat lang sa akin ng isang bagong kilala at ako ay halos hindi makapaniwala sa mga naikuwento niya sa akin. Tawagin na lang natin siyang Tony, edad 31, matipuno at may lahing mestizo, kaya lang hindi siya matangkad kagaya ng ibang mestizo. Kung titignan mo mapagkamalan mong artista. Medyo tahimik ang personalidad pero mahusay magsalita, pati ingles niya ay parang tiga europe, di kagaya ng ibang balikbayan na talagang halata na hindi ingles ang katutubo nilang salita.