Submitted by FameWhoreStory on Mon, 2019-10-14 22:10
Matutulog na sana ako kasi puro pambabastos lang naman ang mga nasa messages pero may nakapukaw ng interest ko..
"Arisa, may I know your Bank Account No.? Magdedeposit ako ng konting cash for you and your Mom.. Let me know ha? Goodnight babe!"
Eto na ata ang simula ng swerte ko.
Sa sobrang excited ko ay ginising ko ang Mama ko.
"Ma, ma!"
"Oh an-ano yun anak?" naalimpungatang sagot nito.
"May magpapadala daw ng pera sa akin sa FB! Kaso kailangan ng bank account.." masigla kong sabi habang mabilis ang pagtibok ng puso ko.