Hot Escapades - Chelsea (chapter 13)

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

stalkereyes___'s picture
Topic: 
Type: 
Language: 

(Hello everybody! blush Two chapters na lang at matatapos na ang story na ito. Ayieeee heart Sana'y suportahan niyo pa rin ito. Enjoy! kiss)

------

Dumaan ang ilang buwan. Hinihintay ni Chelsea ang pagtawag ni Rod ngunit hindi ito kumikibo. Masama kaya ang loob ni Rod kung kaya't hindi niya sinagot ang tawag nito? Ito ang nilalaman ng isip ni Chelsea na lalong nakaramdam ng guilt sa kanyang nagawa. Nagkaroon silang dalawa ng special relationship. Parang mutual understanding ang nangyari sa kanila. Pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana dahil nakilala din niya itong si Dave na bukod sa cute, mestisuhin at attractive ay sobrang articulate kaya't matuling naangkin nito ang kanyang damdamin at ang kanyang pagkababae.

Ang isa pang problemang kinakaharap ni Chelsea ay nagkakaroon na siya ng morning sickness. Paminsan-minsan ay sumasakiy ang katawan niya't naging frequent ang pagduwal niya sa kasilyas. Dalawang tao lang ang nakaalam ng kaganapan sa kanilang dalawa ni Dave. Sina Princess at Jessa na nagsisimula na ding magduwal.

Ramdam na ramdam ni Princess ang pagkainggit sa premise na buntis ang kaibigan. Dahil kinakabahan at natatakot bumili si Chelsea ng EVA test upang malaman kung buntis nga talaga siya, si Princess na ang kusang-loob na pumunta ng parmasya kasama ang bagong live-in partner nitong si Michael.

Nagkatotoo nga ang mga ispekulasyon ni Chelsea. Buntis nga siya. Dahil dito'y hindi nakapasok si Chelsea sa trabaho. Nanginginig ang katawan niya na tila nilalamigan sa kaba nang malaman niyang kaya hindi ma-kontak itong si Dave ay dahil na-terminate ito sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ayon kay Princess na siyang pumunta sa opisina ni Dave at nakasaksi sa nangyari.

"Ano bang gagawin ko?" sabi ni Chelsea sa sarili. "What's going on with my life?"

"Friend naman; huwag ka ngang ganyan," wika ni Princess. "Eh ako nga, pangarap ko na nga ang mabuntis, pero hindi naman ako basta-bastang nabubuntis. If you only knew kung ilang lalaki na ang nilabasan sa loob ng biyak ko para lang ako'y mabuntis. As for you, naka-one take lang, buntis agad. Ang suwerte 'nun, ano?"

"You shouldn't have joked like that."

"Look, my friend," usisa nito, "you have a stable job. Monthly ang kota mo, at ang laki ng nakuha mong commission. You have the guts na buhayin ang magiging anak mo. You don't need a man right now."

"Ang problema nga lang, eh hindi naman ako katulad mo," naluluhang sabi ni Chelsea. "Hindi naman namin basta-bastang ginawa ito ni Dave. May feelings naman ako for him ano?"

"Same as what you feel towards Rod?"

"Yun na nga ang lalong nagpapahirap!" ani Chelsea. "To be honest, mas mahal ko na si Dave kaysa kay Rod. But I really can't help feeling guilty."

"Yeah. I know, I know; you feel that you compromised his trust. I've heard of it many times na."

"I think parang ganoon naman kasi ang nangyari, eh."

"Hay naku naman, friend; huwag ka ngang ganyan!" saway ni Princess. "Tiyak na makukunan ka niyan! Think of your unborn child. Gusto mo ba siyang mawala sa'yo?"

"As of right now, wala akong alam," wika ni Chelsea.

"Chelsea," bigkas ni Princess sa mahinang tinig, "ikaw ang nanay niya. You should avoid thinking that way."

"I'm sorry," wika ni Chelsea. "Sadyang magulo lang ang isip ko ngayon."

"It's okay, my friend. O siya, I have to go." Tumayo si Princess sa kinaupuan niya at isinukbit ang shoulder bag. "Always remember, nasa bagong kabanata ka na ng buhay mo. Isa ka nang ina."

Ngumiti si Chelsea kay Princess at matapos nito ay lumabas na ng townhouse si Princess papunta sa kanyang sasakyan. Pagpasok nito sa loob ay i-dinayal nito ang number ni Michael sa phone.

"Hello, my sweet? It's me, Princess. I'm needing, urgently longing, and desperately wanting you and your sexy body. Puwede mo ba akong bigyan ng anak tonight?"

------

"You acted it well like an internationally acclaimed porn star."

Lumingon si Kyla sa pinagmulan ng tinig. Nang humarap siya ay napangiti ito.

"Watch your words, Giovani. Baka ikaw na ang susunod."

"How the hell could you do this, Kyla? You, I, and Dave are very close since day one. Bakit mo ba kasi nagawa ito?"

"Why?" tanong ni Kyla. "I'll tell you why, because he dumped me. You already knew what happened, Giovani. You knew how I did my best to gain his affirmation, his love. And I would've won, if he didn't met that slut."

"Kyla, you can't force someone to love you. If he doesn't like you, then bakit mo pa kailangang pagsisiksikan ang sarili mo? Just move on for crying out loud. I bet he doesn't like you at all."

"My lovely Gio, there's more to this," wika ni Kyla na napataas ang kilay. "It's also part of a strategy. It's the only option to rise up. Through corporate ladder, Gio. We all need to rise up."

"...and because of that you sacrificed Dave? Our long-lasting friendship?"

"It would've been tough," ani Kyla, "yet he made it easier for me. 'Hell hath no fury against a woman scorned'! It'll be good for you boys to remember that famous Shakespherean line!"

"Grabe!" usisa ni Giovani. "Ibang klase kang pokpok ka!"

"I would be careful with my words if I were you, Giovani," sabi ni Kyla. "Do you remember that I was just promoted as assistant secretary? You're now in my team, Giovani. In other words, your ASS and your DICK are both mine!"

"I don't fucking care, Kyla," pangungutya ni Giovani. "I don't have any plans to stay very long in this company anyway."

"Yeah sure. Your damn problem is you're stuck in the days when we were having fun at Krispy Kreme. Grow up, Giovani. We all have to undergo metamorphosis."

"And that's my point that I have to tell you. Watch out for metamorphosis, Kyla. Because you'll behold a very grandiose metamorphosis, real soon." Ilang saglit pa'y lumisan na ito ng opisina.

------

Nag-ring ang doorbell sa labas ng bahay ni Kobe. Lumabas si Kobe at ibinuksan ang gate kung sino ang nasa labas.

Si Marvin.

"Oh Marvin? Napadalaw ka?" bati ni Kobe.

Malumanay naman ang sagot ni Marvin. "Pareng Kobe, I have a very special news para kay Cindy."

"Sige, pasok ka," yaya ni Kobe at pumasok si Marvin ng bahay. Pagdating ng dalawa sa living room ay nandoon si Cindy na nagbabasa ng magasin.

"O sige, maiwan ko muna kayong dalawa, ha?" wika ni Kobe. "Ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda." Pagkatapos ay nagtungo na si Kobe sa kusina. Nang naiwan sina Cindy at Marvin sa sala ay nagsalita ang lalaki.

"Cindy," sabi ni Marvin, "meron lang sana akong ibalita sa'yo."

"Siyanga? Ano yun?" tanong ni Cindy.

"Remember what happened during Kobe's birthday? About Darius?"

Nagulat si Cindy nang marinig ang pangalan ng naging katalik niya nung gabing yun. "Oo. I remember it. Ano na ang nangyari sa kanya? Ilang araw na nga akong tawag ng tawag sa kanya, pero hindi niya sinasagot."

"I know the reason why. Nakakulong si Darius ngayon."

"Ano?!" sabi ni Cindy na nanlamig ang katawan sa gulat. "Bakit naman?"

"Eh kasi, may nagsampa kasi ng kaso laban sa kanya. May 10 counts siya ng rape at 5 counts siya ng murder. Nagulat nga ako, kasi hindi ko alam na kriminal pala ang kaibigan ko. Nakipag-sex pala siya sa mga babaeng may mga jowa at asawa, at pinapatay naman niya ang mga kinakasama ng mga biktima. At ang masaklap pa, gahaman din siya sa pera."

Naluha si Cindy sa naging rebelasyon ni Marvin. "Most probably habambuhay siyang mananatili sa selda, Cindy," dagdag ni Marvin.

"Bakit?... Binuntis pa naman niya ako..."

"Ha?" pagtataka ni Marvin. "Paano na ang anak mo niyan?"

Nang dumating si Kobe dala ang meryenda nila ay nakita niyang luhaan ang pinsan niya. "Oh Cindy? What's wrong? Tell me," sabi nito.

"Minahal ko kasi si Darius, Kuya!..." hikbi ni Cindy.

"Ahh... So siya pala ang nakabuntis sa'yo," sabi ni Kobe. "Alam mo, Cindy; sasabihin ko ito sa'yo: masakit ang mawalan ng minamahal. Oo, naramdaman ko na yun dati. Pero in time, makaka-move on ka din doon. Alam kong minahal ka ni Darius at ibinuntis ka pa, pero ang hindi mo lang alam, na-deceive ka lang noon. Kasi kriminal yun eh. Pero huwag kang mag-alala, Cindy. You can rise up again from the tragic events that happened in your life. Nawala man si Darius sa buhay mo, pero in exchange, binibiyayaan ka ng anak. Nandito din ako para suportahan ka. Alam kong kayang-kaya mong labanan ang mga pagsubok ng buhay, Cindy; dahil hindi ka na nag-iisa. Kasama mo na ang anak mo."

"Cindy," patuloy nito, "nandito lang ako palagi sa tabi mo. At hinding-hindi kita iiwan." Pagkatapos ay niyakap ni Kobe si Cindy na kanina pang luhaan.

Ilang sandali pa'y nagsalita si Marvin na tila may hinahanap. "Pareng Kobe, nasaan si Ashley?" tanong nito.

"Nandoon sa kuwarto niya," sagot ni Kobe.

"O sige, Pare. Salamat!" At nagtungo na si Marvin sa second floor para bisitahin si Ashley.

Nang naiwan sila Kobe at Cindy ay muling nagyakap ito sa pinsan.

"Cindy, I'll always be here for you. I love you."

------

Sa second floor ng bahay ay kumatok si Marvin sa pintuan ng kuwarto ni Ashley. Maya-maya'y nagbukas ito at nakasalubong ni Marvin si Ashley na naka-black na bikini.

"Hi, Marvin! Napadalaw ka?" bati ni Ashley.

"Kaya ako nandito, kasi nami-miss na kita," sagot ni Marvin.

"That's sweet of you..." sabi ni Ashley at ngumiti nang matamis. "So... do you want to make out with me? Because I really want you today. I want you to give me a baby."

"It'll be my pleasure," nakangiting bigkas ni Marvin. Pagkatapos ay naglapat ang mga labi nila at isinara na ni Marvin ang pintuan. Ilang saglit pa'y nagsimula na ang lampungan ng dalawa.

------

Nag-iisa si Chelsea sa kuwarto nang biglang tumunog ang phone niya. May tumatawag dito.

Si Rod!

Dagling kinuha ni Chelsea ang phone. Ngunit bago niya ma-swipe ang accept button ay natigilan siya saglit. Ano ang sasabihin niya kay Rod? Ano ang sasabihin nito sa kanya kung malalaman nito ang kalagayan niya ngayon? Bagaman nahihiya ma'y kailangan nilang mag-usap na sila ni Rod. Kailangan rin niyang tapusin na ang relasyon nila.

"Hello."

"Hi," sagot ni Rod sa kabilang linya. "My sincerest apologies if it took me so long before I called you again. How's my lovely sweetheart?"

"I'm fine," sambit ni Chelsea.

"You don't look fine to me," sagot ng kabilang linya. "Parang may dinadala kang problema?"

"Dinadala?" sagot ni Chelsea na dagling natatawa. "Of course, may dinadala talaga ako ngayon."

"Chelsea, may problema ba?"

Nagsimula nang humikbi si Chelsea. "Rod, I have no idea how to say this thing to you. But you have to let go of me."

"Huh? But why? Chelsea, what's going on?"

"You wouldn't understand, Rod. Affix it to say that I had a blast conversing with you. I'm only emotional that we weren't able to upgrade our relationship to the next tier."

"I'm confused, Chelsea."

"I'm so sorry, Rod," wika ni Chelsea habang tumutulo ang luha sa mukha.

"Chelsea, could you at best say what's the problem? Please?"

"I'm PREGNANT!"

Naghari ang katahimikan sa kabila.

Patuloy ni Chelsea, "I met someone, Rod. I... I'm hopelessly in love with him. That's why you weren't able to call me. I've been denying to answer your calls lately---"

"Do you love him?"

"What?"

"Do you love him, Chelsea?"

Dagling tumahimik si Chelsea at ilang saglit pa'y nagsalita ito. "Yes, Rod; I love him. I loved him well enough to carry his child. Muling tumahimik si Chelsea. Pagkatapos ay bumulong ito. "Yes, I absolutely love him."

"If that's what happened, there's nothing I can do about it. But grant me one final request."

"What is it, Rod?"

"Can we meet? I really want to see you, Chelsea."

"But Rod..."

"Chelsea please... For one last time?"

Nag-isip sandali si Chelsea. Ilang sandali pa'y sumagot din ito.

"Yes, Rod. I'll be glad to meet you."

----ITUTULOY----

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
0
No votes yet
up
0 users have voted.

Comment(s): 0


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos