Erika: Ang Volleyball Hottie II

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

Topic: 
Type: 
Language: 

"Ahhh o-oo ako yung kanina. Napansin mo pala ako nun hehe" pautal kong sagot.

"Ako nga pala si Jim, bago lang ako dito at susubukan makapasok sa Basketball team", dagdag kong sagot habang inabot ang aking kamay para magpakilala.

 

Hindi naman ako nabigo dahil inabot niya rin ang kanyang kamay at yun ang naging unang haplos ko sa kanya. "ilang taon kana Jim?" dagdag na tanong niya. Medyo natulala ako dahil hindi ko aakalaing sa pangalawang araw ko palang dito sa Manila eh may nakausap na akong isang babae na maganda at kumportable pang kasama.

 

"16 palang po ako. Ikaw po ba ate?", sabi ko sa kanya.

 

"Tigilan mo ako sa ate-ate na tawag ha, linyahan yan nang mga fuckboy, hehehe. By the way, 18 palang ako" sagot niya sa akin. Tinamaan ako nang nga ngiti niya. Sobrang cute, kahit alam mong haggard ang mukha niya dahil sa pagjojogging, eh dalang dala naman nya sa mga ngiti niya.

 

Patuloy ang naging kwentuhan namin hanggang matapos kaming kumain, masarap siyang kausap, yung tipong parang matagal na kayong magkakilala, tipong walang tinatagong pahinhin na galaw. Una siyang tumayo at sa akala ko ay aalis na ngunit nabigla ako nang lumapit siya sa tabi ko at binuksan ang kanyang cellphone at inaya akong magselfie. Dun ko palang narealize na ang bango niya, kahit kagagaling sa papawis eh amoy bagong ligo pa rin. Marami siyang kinuhang pictures namin at nagpaalam na siyang aalis na.

 

Pag-alis naman niya ay inubos ko na ang pagkain ko at laking gulat ko nang makitang 15 minutes nalang ay mag-uumpisa na ang practice. Nagmadali na akong umakyat at nag-bihis, tapos ay tumungo na sa gym na laging may kasamang ngiti sa mukha at mukha ni Erika sa isipan.

 

Pagkapasok ko sa gym ay talagang namangha ako sa loob nito, sobrang ganda kung ikokompara mo sa gym namin sa probinsya. Hindi ako makapaniwala na ang ganitong klase nang gym sa probinsya kung saan nakakalaro lang ako kapag malalaking liga ay pang-araw araw lang na praktisan dito sa Manila. Hindi naman ako masyadong nahiya dahil pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ni Coach at kasama niya si Ben. Nasa sampung tao palang ang nandoon sa loob nung oras na iyon. "Ben, ito pala si Jim, ito yung sinabi ko sa iyo na nakita ko sa Palarong Pambansa, Jim ito si Ben, team captain nang team", pagpapakilala ni Coach sa amin.

 

"Nagkakilala na kaming dalawa kaninang umaga Coach, may potensyal talaga tong nakuha mo", sagot naman ni Ben.

 

"Tama nga ako, magaling talaga tong si Ben at vital part talaga ito nang team", sa isipan ko.

 

Kahit magiging kasama ko itong si Ben, nasa sarili ko na talaga na maging competitive at gusto kong lampasan ang mga nakikita kong players. Kaya si Ben ang naging parang benchmark ko sa magiging career ko dito sa college basketball.

 

"mabuti at nagkakilala na pala kayong dalawa, siguro hindi na ako masyadong mahihirapan ibuild-up ang chemistry ninyo", dagdag na sabi nang Coach.

 

"Sana po coach madali lang makabisa nitong si Jim ang laro natin para lumakas tayo this coming season, tara Jim umpisa na tayo" , sagot naman ni Ben sabay yaya sa akin na mag-umpisa nang magpapawis.

 

Sumunod na ako agad at nagpalit na nang practice jersey na binigay naman sa akin nang isang staff nang team. Nag-umpisa na kaming mag-stretching tapos ay nagdrills na. Hindi naman ako nahirapan kahit maraming first time ko palang nakitang drills ay madali ko naman itong nakukuha at nasundan. Water break namin nang lumapit sa akin si Ben. "Pre ok kalang bah?", tanong ni Ben.

 

"Oo pre, ok lang ako, medyo nabigla lang ako sa drills pero nakukuha ko naman agad, sa amin kasi konting drills lang sa practice at more on scrimmages.", sagot ko naman.

 

"Oo ganyan nga ang lagi kong naririnig sa mga bagong player dito na galing probinsya. Talagang maninibago ka kompara sa practice ninyo sa lugar niyo. Marami na rin mga sumubok makapasok dito pero hindi kinakaya ang drillings dito, mabuti ka nga at nakikita ko na kayang kaya mo.", pagpupuri niya.

 

Sa mga oras na iyon ay tinawag na kami nang coach namin para maghuddle. Sabi niya ay magscrimmage na kami para masubukan ang laro ko, naging magkakampi kami ni Ben para maguide daw niya ako. At nagsimula na kaming maglaro, ikinagulat ko pa ang umpisa nang laro dahil sobrang bilis nila, halos lahat sila kahit si Ben na matuturing na bigman ay mabilis tumakbo. Hindi ko aakalaing ganito siya kabilis dahil sa mga bigman namin sa probinsya eh mababagal at talagang katawan ang ginagamit. Hindi naman ako nahirapang sabayan sila sa takbuhan dahil yan din ang laro ko, medyo nabigla lang ako sa playing style nila. Over-all maganda naman ang naging laro ko, nakapasok ako nang ilang mga 3 points at nakasteal din.

 

"Ganda nang laro mo ah, para kang hindi rookie, talagang makakatulong ka nang malaki sa team natin",pagpupuri ni Ben.

 

"Magaling bata, sa pinakita mo eh may pag-asa ka talagang makapasok sa team, at hindi lang yan, kung magiging consistent ang laro mo, pu-pwede kapang maging first-five.", dagdag na pagpuri ni Coach.

"salamat po coach at Ben, nakakapanibago po talaga ang practice ninyo dito sa Manila kompara sa probinsya pero kakayanin ko po", sagot ko naman.

 

Isa isa nang nagtungo ang mga players patungong shower room para nagbihis. Ako naman ay nagpaiwan kasi nakagawian ko na talagang mag-shooting kada tapos nang practice kahit doon sa probinsya namin.

 

"Mauna na kami pre ha, kita nalang tayo sa Monday", pagpaalam ni Ben.

 

"Sipag nang rookie ahh", sabay kanchaw naman nang iba pang kasama.

 

Napatawa nalang ako. Habang nasa kalagitnaan na ako nang shooting ko, pawis na pawis na ako nang may biglang nagsalita.

 

"Sipag mo rookie ah", isang tinig na hindi ko inaasahan, tinig nang isang babae na hindi ako kailanman magkakamali. Paglingon ko ay nakita ko si Erika, nakasuot lang ito nang tshirt at maikling volleyball shorts na mas lalong nagpakita nang mapuputi at mahaba niyang hita. Nakaponytail ang buhok niya at may dalang gym bag.

 

"Ohh Erika, kaw pala, anong ginagawa mo dito?", tanong ko.

 

"Wala kasi kaming practice ngayon kaya naisipan ko na mag-gym nalang sa taas, parang naghahanap kasi ang katawan ko nang papawis eh.", sagot niya na may halong nakakalibog na tingin.

 

"Kung tamang papawis sana hinahanap mo eh mapagbibigyan kita", sabi ko lang sa isip ko.

 

"Ahh ganun bah, may gym pala sa taas? Sosyal talaga nang paaralan na ito nuh?", patanong ko na sabi sa kanya.

 

Para akong naging istatwa nang unti unti na siyang lumapit sa akin, nakatitig ang mga mata niya at binaba ang gym bag na dala. Nakakaakit siya kung titingnan mo at kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko.

 

" Ang galing mo pala magshoot, pwede turuan mo ako? Nag-eenjoy kasi ako manood nang basketball pero nahihiya ako makisama sa mga players kasi parang mga fuckboy ang datingan.", mga salitang galing sa kanya na binigyan ko nanaman nang green-meaning sa isip ko.

 

"Sige subukan mo ishoot to.", sabi ko sabay abot nang bola sa kanya. Sa paghagis niya nang bola ay bahagyang tumaas ang damit niya at nakita ko ang bandang tiyan niya na parang may kumislap, sa isip ko ay piercing yata yun. Binigay ko ulit sa kanya ang bola at tiningnan ko mabuti ang tiyan niya at dun ko nakompirma na piercing nga talaga.

 

"yeeehheeeyyy nashoot ko", tuwang tuwa siya dahil naishoot pala niya ang bola ngunit hindi ko nakita dahil nakatitig ako sa tiyan niya. Dahil tuwang tuwa eh nakisabay nalang din ako nang sabi, "ang galing ah, dali mong matuto."

 

"Hindi ko naman kasi naishoot yun eh, binitag lang kita kasi kung saan-saan ka nakatingin", mga pahayag niya na tila ba malamig na tubig na ibinuhos sa akin. Hiyang hiya ako nang mga oras na iyon, walang ni-anumang salita ang makalabas sa mga bibig ko.

Sa oras na iyon ay nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Erika, "eto ba tiningnan mo?, sexy niyang pahayag habang unti unting itinaas ang kanyang damit para ipakita ang piercing niya at hindi lang ang piercing niya ang nagpamangha sa akin kundi ay ang kanyang abs na mas lalong pinasexy nang piercing niya sa may pusod.

 

"Ang ganda nang katawan mo Erika.", tanging sabi ko habang hindi ko macontrol ang aking nga kamay na haplosin ang kanyang tiyan.

 

Bahagyang inilapit ko pababa ang aking kamay sa may puson niya nang bigla niyang ibinaba ang kanyang damit sabay sabing "ooppss tama na baka san kapa umabot.", sabi niya na may halong ngiti sabay dampot nang gym bag at nagtungo na sa gym.

 

Mula noon ay pinagpatuloy ko ang shooting practice ko pero nawala na ang aking konsentrasyon pagkat hindi na maalis sa isip ko ang nangyari. Minabuti ko nalang magtungo sa shower-room para magpalamig at magbihis.

 

Pumunta na ako pabalik nang dorm at nagpahinga. Bandang alas 11 nang umaga nang nagpasya akong bumaba nang dorm para maghanap nang makakainan sa labas at makapaglibot na rin nang sabay. Hindi ako nabigo kasi marami akong nakitang mga kainan sa labas nang campus. 

 

4PM nang umuwi na ako nang dorm at humiga sa kama ko. Pero nang mga panahon na iyon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari sa amin ni Erika kanina. Napagpasyahan ko nalang magbukas nang facebook sa cellphone ko. Hindi ko namalayan ang oras hanggang sa naging 7PM na. Nagring ang telepono nang kwarto ko at sa isip ko ay taga pantry siguro ito na nagyayaya nang kumain at hindi ako nagkamali. Dito ay muli ko nanamang naisip ang posibilidad na magpang-abot nanamam kami ni Erika sa kainan.

 

Agad na akong bumaba dahil nagutom na rin ako at may halong pagkasabik na rin na makita ko si Erika. Hindi ako nabigo nang makita ko siya sa inuupuan niya kaninang umaga habang kumakain. Kumuha na ako nang pagkain at lumapit sa kanyang mesa. Nagulat ako sa kanyang pakitungo sa akin nang mga oras na iyon kasi sobrang tahimik niya at tiningnan lang niya ako sabay yumuko ulit at tinuloy ang pagtingin nang facebook sa cellphone niya. Nahalata ko rin na walang bahid nang kanin ang plato niya at tanging mga gulay lang ang laman nito na siyang hinandang ulam para sa aming lahat.

 

"Hindi ka nagrice?", pagbasag ko nang katahimikan sa pagitan naming dalawa. 

 

"Ahh oo hindi talaga ako nagri-rice kapag hapunan.", tipid niyang sagot. At bumalik nanaman sa pagtingin sa cellphone niya. 

 

"pwede makahingi nang number mo?", derecho kong tanong sa kanya na. 

 

Kinagulat niya ang tanong ko pero hindi naman ako nabigo dahil binigay niya ang number niya. Pagkatapos nun ay bumalik na ako sa pagkain at siya naman ay umakyat na. Ako naman ay tinapos ko narin ang aking pagkain at umakyat na rin na kay ngiti sa mukha. 

 

Pagkaakyat ko ay naghalfbath lang ako at nahiga na sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone at nagtext na ako kay Erika. 

 

"Salamat sa number. Goodnight", text ko sa kanya. 

 

Naghintay ako nang ilang sandali ngunit walang reply ang dumating. Kaya nagfacebook nalang ako hanggang sa inabutan na ako nang antok at nakatulog na. 

----itutuloy----

 

 

 

 

 

 

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
3
Your rating: None Average: 3 (2 votes)
up
2 users have voted.

Comment(s): 0


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos