KAMUNDUHAN 80

You must be logged in to view images attached to stories and blogs.

Topic: 
Type: 
Language: 

KAMUNDUHAN 80

At makaraan nang mga naganap ng umagang iyon sa katanghaliang tapat ay makikita naman sa hapagkainan ang isang mag-ina na sina Mrs. Dories at ang binata na si Roland. Sa pag-uusap nang dalawa kasabay ng kanilang pananghalian ay nabanggit ng binata sa ina ang tungkol sa isang babae na kaniyang nakilala na si Mrs. Priscilla. At kung papaano silang nagkakilala nang ginang, tahimik namang nakikinig ang ina sa kuwento nang anak. Bagama't may edad at may asawa na ang babaing ibinibida nang binata ay wala namang nakitang masama si Mrs. Dories, sa halip ay ibig niya ring makikala ang ginang na tinutukoy ng anak. Dito'y nabanggit din ni Roland ang problemang dala ni Mrs. Priscilla dahilan kung bakit ito'y mag-isa niyang nakitang naglalasing.

Mrs. Dories - Gusto ko siyang makilala anak... (wika nito sa binata) Base kasi sa kuwento mo e, parang kailangan niya nang tulong at ibig ko siyang matulungan sa problema niya! (patuloy pa nito)

Roland - Hayaan niyo Ma at isang araw, dadalhin ko siya dito sa bahay para maipakilala ko siya sa inyo! (tugon naman nito at hindi naman niya binanggit na nakarating sa bahay na iyon ang ginang at kung saan ay naganap din sa kanila ang isang mainit na tagpo)

Mrs. Dories - Nasasabik tuloy akong makilala 'yang si Priscilla.... (at ngumiti ito sa anak)

Sa ngiting iyon ni Mrs. Dories ay agad na nakuha ni Roland ang kahulugan no'n, kaya naman hindi rin nito maiwasang mapangiti rin sa ina.

At samantaa nang mga sandali din namang iyon, sa opisina ni Kyla ay dumating si Dra. Arnie at agad naman itong sinaubong ng dalaga. Dito'y humalik sa pisngi nang ina ang anak sunod niyon ay naupo si Dra. Arnie sa may tapat ng lamesa. Agad na binanggit nang doktora sa anak ang ibig nilang pag-usapang dalawa kung tungkol saan iyon.

Dra. Arnie - Ano nga pala ibig mong pag-usapan anak at mukhang napaka-importante naman nito? (tanong niya sa dalaga)

Sa puntong iyon ay saglit na napabuntong hininga ang dalaga at tila bigla itong nagdalawang-isip kung kukumpirmahin pa ba nito ang nasa sa kaniyang isipan o hindi na lang. Subalit sa isipin din namang iyon ay hindi rin naman siya mapakali at matahimik at naguguluhan. At nang ulitin nang ina sa kaniya ang tanong nito ay dito na tuluyang nagpasya ang dalaga na diretsohin na ang ina.

Kyla - Mommy... May nangyari na ho ba sa inyo ni Gary?! (ang diretsong tanong nito sa ina)

Nagulat at agad na natigilan si Dra. Arnie sa diretsohang tanong na iyon nang kaniyang dalaga at hindi agad nito maalaman kung ano ang kaniyang isasagot. Hindi rin naman nito mawari ang sarili kung magagalit ba siya sa anak o mananahimik na lamang. Hanggang sa 'di nagtagal ay dito na siya nagsalita sa anak na naghihintay nang kaniyang kasagutan.

Dra. Arnie - A-anak, hindi ko maintindihan kung bakit mo natanong ang bagay na 'yan?! (tangi niyang itinugon)

Kyla - Mommy, may mga pangyayari akong nasaksihan at napakinggan na hindi nawala sa isip ko at patuloy na hindi nagpatahimik sa akin! Tulad na lamang nang gabing makadinig ako ng mga halinghing ng isang babae na nagbuhat sa silid ni Gary kung saan siya tumuloy habang nasa sa atin! At ang halinghing nang babaing iyon ay agad kong nakilala kung sino.... Sa inyo ang mga daing na iyon mommy! (at higit na natigilan ang doktora) At ang sunod kong nasaksihang pangyayari na aking nasaksihan... (sandaling tumahimik ang dalaga) Ito ay nang matunghayan ko ang iyong sarili sa loob ng shower room niyo kung saan pinaliligaya niyo ang inyong sarili habang binabanggit ang pangalan ni Gary at iba pang mga kataga na sinasambit niyo! (at napatungo ang ina sa mga nadinig nito sa kaniyang anak at nakadama ito ng hiya)

Sa puntong iyon sa sumandaling naghari ang katahimikan, dito'y walang kaabug-abog na inamin ni Dra. Arnie sa anak ang katotohanan. Katotohanan sa mga hinala nang kaniyang anak tungkol sa kanila ni Gary.

Dra. Arnie - Aaminin ko anak, oo... Oo, may namagitan na sa amin ni Gary....! (nakatungo pa rin ito at agad na napapikit, napabuntong-hininga naman si Kyla) Marahil dala na rin iyon nang pangungulila ko sa kama kung kaya't mabilis akong nadala ng aking nadarama sa katawan! Bihira na kaming magtalik nang iyong ama sa kadahilanang halos nakatuon ang mga oras niya sa negosyo at alam kong alam mo 'yan anak! Dahilan upang agad akong nagpaubaya sa isang binata, isang lalaking muling nagparamdam sa akin ng ligayang bihira ko ng maranasan sa iyong ama! (ang pagtatapos nito)

Tulad din nang kaniyang ina, sa mga nadinig ay hindi rin maalaman ni Kyla ang sarili kung magagalit ba siya sa ina o uunawain na lamang niya ito. At habang nakatitig ang dalaga sa nakayukong ina ay muli itong nagsaita.

Kyla - Hindi ko alam kung anong sasabihin ko mommy ngayong alam ko na ang totoo, hindi ko alam kung.... (at naputol dagian ang sasabihin pa sana nito ng magsaita ang ina)

Dra. Arnie - nakikiusap ako anak, hangga't maaari'y huwag mo sanang ipaalam sa daddy mo ang lahat mong nalalaman! (saad nga nito at buhat sa pagkakaupo ay tumayo ito't nilapitan ang anak) Susubakan kong iwasan si Gary upang hindi na maulit ang sa amin ay nangyari ngunit, hindi ko naman ito maipapangako sa'yo! Sapagka't buhat nang maramdaman ko ang init na dulot ni Gary sa aking katawan, nagmimistulan itong droga sa akin na aking hinahanap-hanap! Subalit tulad nang nasabi ko anak, susubukan ko siyang iwasan at layuan! (at inakap nito buhat sa likuran ang anak)

Kyla - Sana nga ho mommy, sana...

Ang tangi niyang nasambit at patuloy pa rin itong naguguluhan at hindi rin naman makapaiwala. Hindi rin naman niya magagawang maipaalam sa ama ang nalamang katotohanan sapagka't hindi rin naman nito ibig masira ang kanilang pamilya.

Itutuloy -

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
0
No votes yet
up
1 user has voted.

Comment(s): 0


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos