RACE DOES NOT MATTER II: ANG PAGKAMATAY NI ARMIN BORMANN


PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos
oskar_dirlewanger's picture
Topic: 
Type: 
Language: 

“Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo ha?” sabi ng isang matandang Hauptscharfuehrer (Master Sergeant) na miyembro ng SS (Schuzstaffel) habang nakahawak sa flashlight. May dalawa siyang kasama na miyembro din ng SS na ang kanilang baril (Gewehr 88) ay nakatutuk sa magkasintahang Anne at Armin. Ang hindi alam nila ni Anne at Armin ay habang nagkantutan sila ay narinig ng mga nagpapatrolyang SS ang mga ungol nila. Kaya dali silang pumunta sa pinanggalingan ng mga ungol at nang makarating sila ay nakita nila ang ma-aksyon na kantutan ng dalawang magkasintahan. Agad silang nagtago ay hinintay na makaraos ang dalawa. Habang pinapanood ang naganap na kantutan ay unting-unti nagising ang libog ng tatlong nagpapatrolyang SS. Ang matandang Haupscharfuehrer ay hindi napigilang mahimas ang kanyang nanigas na alaga. Mula ng madestino siya sa Gleitwitz isang taon na ang nakakalipas ay hindi na siya nakakatikim ng sex. Nasasabik na siyang umuwi sa Bonn, Germany para mailabas na nakatingga niyang libog sa kanyang asawa pero sabi ng superior niya ay Enero ng 1940 pa siyang pweding makauwi dahil kailangan siya at iba pang member sa SS para tapusin ang trabaho niya.

Nang hindi makasagot ang magkasintahan sa tanong dahil sa hiya at pagkagulat sa pangyayari ay inulit ng
matandang Hauptscharfuehrer ang tanong nang pasigaw!

SS-Hauptscharfuehrer: Inuulit ko! Ano sa tingin ang ginagawa niyo?!

Armin (pautal-utal): Wa-wa-wala lang po sir. Nag-uusap lang kami ng kasintahan ko.

SS-Hauptscharfuehrer: Talaga? Sa lakas ng usapan niyo ay narinig pa namin. Hindi namin maintindihan kasi “Ohhh” at “Ahhh” lang. Ano ang lengwahi ang ginamit niyo? Pwedi niyo ba kaming turuan?

Tawanan ang mga SS sa sinabi ng Hauptscharfuehrer. Dahil sa kakatawa ay napaubo pa ang isang SS at muntik na mahulog ang armas niya. Habang si Anne at Armin ay pinagpawisan dahil sa kaba at takot na hulihin sila. Kalat na kasi ang balita sa kanilang lugar na kung sino man ang mahuli ng mga SS sa curfew ay hindi na kailanman nakikita ng mga kapamilya. At hindi lang iyon, kapag nalaman ng mga SS ang tunay na lahi ni Anne ay kamatayan na ang nag-aabang sa magkasintahan.

SS-Hauptscharfuehrer (seryoso): Ilang taon ka na ba lalaki?

Armin: 24 po

SS-Hauptscharfuehrer: Ikaw babae?

Anne (yumuko): 23 po.

SS-Hauptscharfuehrer: Alam ko naman (senyas sa dalawang SS na ibaba ang kanilang baril at patay sa flashlight) na hindi talaga mapigilan ang libog niyo. Mapusok kasi ang mga kabataan pagdating sa sex. Ganyan kasi ako noong kabataan ko kaya naiintindihan ko. Sa susunud kung magigising ang libog niyo ay dapat gawin ang ritwal sa bahay at huwag dito sa pampublikong lugar. Sige hindi ko na kayo huhulihin. Tara na at sumakay na kayo sa army truck at ihahatid ko na kayo sa bahay niyo. Mahirap na mahuli pa kayo ng ibang SS na nagpapatrolya sa lugar.

Nabunutan ng tinik ang magkasintahan sa narinig. Unang lumabas si Armin sa eskinita at sumunud si Anne. Bago pa tuluyan ng makalabas ng eskinita si Anne, tiningnan siya ng mabuti ng Hauptscharfuehrer na para bang may pumasok na pamilyar na imahe sa kanyang isip. Kinabahan si Anne sa mga titig ng Hauptscharfuehrer at nagdadasal sa kanyang isip na sana hindi makilala ang tunay na lahi niya.

SS-Hauptscharfuehrer (sabay hawak sa kaliwang braso ni Anne): Sandali lang babae!

Anne (kinabahan): Ba-bakit po?

SS-Hauptscharfuehrer: Pamilyar ka sa akin babae. Magulang mo ba yung abogado at doctor na Jew dito?

Anne (nauutal sa takot): Hi-hi-hindi po! Hindi po ako anak nila!

SS-Hauptscharfuehrer: Lugner! (Sambay sampal sa mukha ni Anne) Sie dumm Jude! (stupidong Jew)
Natumba si Anne sa lakas ng sampal at agad naman pumunta si Armin para alalayan si Anne sa kanyang pagtayo. Inutusan ng Hauptscharfuehrer ang dalawang SS na arestuhin ang magkasintahan dahil sa paglabag sa batas na bawal makipagtalik ang pure German sa Jew. Bago pa man mapusasan si Armin bigla niyang sinuntok ang Hauptscharfuehrer at natumba ito. Sinuntok din niya ang dalawa pang SS at natumba din ito. Agad silang tumakbo papalayo. Nakabangon naman agad ang Hauptscharfuehrer at inutusan ang dalawang SS na tumayo at habulin ang dalawa. Sumakay sila kaagad sa army truck at hinabol ang dalawang nagtatakbuhang magkasintahan. Habang tumatakbo ang magkasintahan ay pinaputukan sila ng mga baril sa humahabul. Pumasok ang magkasintahan sa isang maliit na iskinita para makaiwas sa mga bala. Agad na huminto ang army truck at bumaba ang tatlong SS at hinabol ang magkasintahan. Sa bawat alingaw-ngaw na putok ng baril ay napapasigaw si Anne at rinig na rinig din niya ang mga bala na tumatama sa mga ding-ding hanggang ang isang bala ay tiempong tumama sa likod at tumagos ito sa kanang baga ni Armin. Natumba si Armin .Pilit siyang pinatayo ni Anne pero hindi na kaya ng lalaki na tumayo.

Armin (naghihingalo): A-aaannne mahal ko, tumakas ka-naah!

Anne (umiiyak): Hindi kita iiwan mahal ko!

Armin (naghihingalo): Sige naaah! Haah! Haah! Ligtas mo ang sa-sarili mo! Hi-hindi naman ako magtatagal! Haah! Haah! Ba-basta tandaan mahal na mahal kita!

Anne (umiiyak): Ako din mahal na mahal kita (sabay gawad ng halik ng pagmamahal)
Pagkatapos ay agad na tumakbo si Anne papalayo umiiyak at humahagulgul. Pilit niyang nilalabanan ang kanyang lungkot na umaapekto sa kanyang isipan. Kapag hindi kalmado ang isipan niya, ay hindi na siya makakaisip ng paran kung paano makatakas sa mga demonyong humahabol sa kanya. Samantalang ang Haupscharfuehrer ay huminto sa naghihingalong si Armin at inutusan na habulin si Anne.

SS-Hauptscharfuehrer (bumunot sa kanyang handgun at itinutuk): Sayang naman ang kaguapohan mo bata pero pumatol ka lang sa Jew (sabay putok sa kanyang baril)

Narinig ito ni Anne at alam niyang tinapos na si Armin. Pero nasa isip niya buti nalang din na binaril siya para matapos na din ang kanyang paghihirap pero hindi ibig sabihin na natutuwa siya sa ginawa ng SS, lalo lang siyang nagalit dito. Paglabas niya sa exit point ng iskinita. Nagulat nalang siya nang bigla nalang siya hinila ng isang hindi kilalang lalaki at ipinasok sa front seat ng kotse.

Stranger: “Diyan ka lang at huwag kang maingay at magtago. Huwag ka din lalabas sa kotse hanggang bumalik ako”

Sumunud naman si Anne sa sinabi ng lalaki at agad siyang nagtago. Rinig din niya ang mga yapak ng mga humahabol sa kanya. Bigla nalang itong huminto at naririnig niya na nag-usap ang lalaki at humahabol sa kanya. Dahil sa curiosity ay sumilip siya sa bintana ng sasakyan para malaman ang nangyayari pero sinigoro niya na hindi siya makikita. Nasaksihan niya na ang dalawa sa tatlong SS na humahabol sa kanya ay nag “Nazi salute” sa lalaki.

Stranger (nagsalute din): Ano bang kaguluhan ito Sturmmann (Private First Class)?
SS-Sturmmann 1: Pasensya na Herr Hauptsturmfuehrer (Captain) may hinahabol kasi kaming babaeng Jew at dito siya dumaan. Nakita niyo ba?

Stranger (nagalit): Ano ang tingin niyo sa akin? Bulag?! Wala akong nakitang babaeng tumakbo dito!

SS-Sturmann 2 (sumabat): Pero Herr Hauptsturmfuehrer nakita ko siya tumatakbo dito dumaan pa nga….
Stranger (sumigaw): Halts Maul (tahimik)! Kung magsasalita pa kayo sibak na kayo sa katungkulan niyo!

Sa pagkakataong ito ay dumating ang Hauptscharfuehrer.

SS- Hauptscharfuehrer: Ano ang kaguluhan to? (Nang mamukhaan niya ang lalaki nag Nazi salute agad siya) Herr Haupsturmfuehrer magandang gabi.

Stranger: Walang maganda sa gabi Hauptscharfuehrer. Nabwesit ako! Kaya umalis na kayo bago pa maubus ang pasyenysa ko!

Agad na umalis ang tatlo at naglaho. Agad naman pumasok ang hindi kilalang lalaki sa kotse niya. Tiningnan niya si Anne at tsaka pina-andar ang kotse at pinatakbo.

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
0

No votes yet

Comments

tagapalo's picture

ng story para akong nanonood ng pelikula ^^

sundan po kagad :)

Love is a Drum.
You should never miss a beat.

manna1623's picture

Maganda tong kwentong to medyo na aalala kong yung the Book Thief dto sa kwento na to.. GJ keep it up

This Sacred Wine is a Toast to all our kind
Brothers i'm yours
I'll raise my glass to you

http://pinaychicks.com