Mr.8 - Part 04


PSE Group and Chat at Kontakan - Join now

PhilReport.com - Daily News Feed- News, Social, Trending, Photos and Videos
dopolyu's picture
Topic: 
Type: 
Language: 

-Sa pagpapatuloy.

Sa opisina ng campus director.

"Nandito na po ako, Ms.Jane." si Poli sa nakatalikod na babae.

"Ok ka na ba Poli? Nakapagpaalam ka na ba sa lahat ng maidens mo?" tugon ni Jane.

"Ah, eh kay Loraine ko lang naman po balak magpaalam Ms.Jane." kinakabahang banggit ni Poli.

"Kay Lorraine lang? Wala ka bang balak magpaalam sa akin?" si Jane na may pilyang ngiti sa labi.

Napalunok ng laway si Poli sa tinuran ng kanilang campus director, kaagad nyang binali ang una nyang sinabi ng sa isang maiden lang magpapaalam, "Syempre, pati ikaw Ms.Jane. Ikaw pa ba makakalimutan ko?" Sabay lapit nito sa dalaga. Hinagkan agad ng binata ang nag-aabang na labi nito at pinagapang agad ang kamay pababa sa pwet ng babae.

"Uhhmmm.. wag! Baka tamaan ako ng libog. Di pwede dito sa opisina." saway nito sa lalaki.

"Nakakagigil ka kasi, Ms.Jane. Ikaw ang pinakamami-miss ko dito." si Poli na hindi nagpaawat at itinuloy pa rin ang paglamas sa puwit ng babae.

"Tama na! Mamaya na lang pag-out ko. May ibibigay din akong graduation gift sa'yo." sabay tuka sa labi ni Poli. Kinagat pa nito ang ibabang labi ng binata bago ito pinalabas sa kanyang opisina. "Hintayin mo text ko ha." habol pa nito sa binata.

***************************

Naglalakad si Nico papunta sa cafeteria. Iniisip ang mga mangyayari mamaya sa kanila ni Lorraine at ng bagong maiden. Naalala nya na meron pa syang klase mula 12nn hangan 3pm, tapos bakante ng isang oras at klase ulit ng 4pm hanggang 6pm. "Absent na lang muna ako, minsan lang naman eh." katwiran ng binata sa kanyang sarili dahil di nya pwede palampasin ang araw na ito.

Ng makarating si Nico sa cafeteria, umorder sya ng palabok. Nung iaabot na nya ang bayad, binulungan sya ng kahera ng "No charge, Mr.8. Kasama sa benefits mo yan bilang handler." sabay kindat sa kanya. Napangiti na lang si Nico sa kahera sabay sabing "Ikaw? Hindi ka ba pwedeng orderin? Hahaha." ngiti lang ang tugon ng kahera sa tinuran ng binata pero bumalik din ito sa ginagawa nya.

Habang kumakain, pinaikot ni Nico ang mata nya sa loob ng cafeteria. Nakita nya si Julie at ang BF nitong si Mark na sweet na sweet sa isa't isa. May respeto si Nico sa kaibigan pero iba ang dating sa kanya ni Julie, isang pagkain hindi pwedeng hindi tikman. Pinagmasdan nya ang dalawa lalo na si Mark. Kinawayan pa siya nito ng mapansin sya na tinanguan naman nya bilang tugon. Naalala nya ang sinabi ni Poli na kamukha ito ni Long Mejia kaya pinagmasdan nya ang mukha nito. Napangisi sya ng maisip na parang mas gwapo pa si Long kesa sa katropa. Binaling nya ang tingin kay Julie at napabulong sa sarili ng, "Sorry pre, pero talo talo muna tayo."

Isa pa sa nakakuha ng atensyon ni Nico sa cafeteria ay ang grupo nina Gladys. As usual, may hawak na gitara ang isa sa mga ito, at kumakanta ng awit pangsimbahan ang grupo. Kaklase nya si Gladys sa ibang minor subjects nya, pero hindi nya ka-close ang babae. Sa tuwing mangongopya kasi sya dito sa mga minor subjects na hirap sya, lagi syang sasabihan na "Nakikita tayo ni GOD."

Hindi nya type si Gladys, ang type nya sa grupo nila ay si Ericka. Si Ericka ang university queen ng kanilang campus. Ito kasi ang nanalong Ms.University last year at laging panglaban ng campus sa ibang mga pageant. Lumaban din syang representative ng kolehiyo sa inter-university pageant at nanalong 1st runner up. Sa taglay nitong mala-anghel na mukha, at malademonyong katawan, si Ericka ang ultimate dream girl ng campus. Ang hindi lang nya gusto sa babae ay ang pagiging masyadong relihiyoso nito. Lagi sumasama sa bible study o kung ano ano pang religous activity ng grupo nina Gladys. No boyfriend since birth daw si Ericka ayon sa naririnig nyang kwentuhan ni Gladys at ng iba nyang babaeng kaklase. Type nya si Ericka, pero di nya kayang ligawan ang dalaga dahil marami syang kalaban na aminado syang mas higit sa kanya.

Napansin nyang may kakaiba ngayon kay Ericka, madalas itong mapatulala at ngumingiti lang para ipakita sa tropa. Pero paghindi nakatingin ang mga tropa nito, mawawala ang ngiti sa magandang labi at titingin uli sa malayo. Mukhang may mabigat na problema ang dalaga.

Matapos kumain, pabalik na sana sa lihim na opisina si Nico. Sa kanyang paglalakad, napansin nya si Anna na nakatambay mag-isa hallway malapit sa office ng campus director. Nagpasya syang lapitan si Anna para makadiskarte.

"Hi." nakangiting bati ni Nico sa dalaga.

"Hello." tugon ni Anna kasabay ng isang tipid na ngiti.

"I'm Nico, ikaw si Anna di'ba?" pagpapakilala ng binata.

"Yup! Paano mo nalaman ang pangalan ko?" nagtatakang tanong ng dalaga.

"Uhm, natanong ko lang sa mga kakilala ko. Naintriga kasi ako sa'yo kung bakit ka lagi naig-iisa kaya nagtanong tanong ako tungkol sa'yo." palusot ng binata. Sa isip-isip nya, "Nakita ko sa maiden's profile ang pangalan mo."

"Ah, OK. So, pangalan ko lang ba ang nalaman mo sa pag-iimbestiga mo sa'kin?" taas-kilay na turan ng babae.

"Hahaha. Imbestiga talaga? Well, wala naman masyado nakakakilala sa'yo dito maliban sa mga classmates mo. Pero di ka rin nila lubusan kilala dahil di ka raw nakikihalubilo sa kanila." tugon ng binata na dinugtungan pa ng tanong na, "Bakit nga ba lagi ka nag-iisa?"

"Hmm, siguro naman, hindi ako obligadong sagutin yan?" nakangiting tugon ng babae, pero halata ang pagkairita.

"Ah, eh, hindi naman. Curious lang ako. Kasi parang ilag ka sa mga tao. Actually, maganda ka eh. Sa itsura mong yan, sigurado lapitin ka ng mga.."

"Ng mga kagaya mo?" pambabara ni Anna kay Nico.

"Kagaya kong ano?" nangiti si Nico. Mukhang nababasa ng babae ang pakay nya.

"Obviously, type mo ko. Lumapit ka para dumiskarte diba? Wala kang mapapala sakin kuya." prangkang tugon ng babae.

Napangiti sa Nico sa tinuran ng dalaga. Marunong magbasa ng kilos ang babae. "Hahaha, kuya ka dyan. Well, ang gusto ko lang naman eh makipagkwentuhan, pero mukhang wala ka sa mood." tugon ng binata. Bigo man sya sa pagkakataong ito, batid ni Nico na marami pa syang oras at pagkakataon para mapaamo ang babaeng ito. Kaya nagpasya syang magpaalam na sa babae, "Paano, una na ako ha. Kung magbago man ang isip mo at gusto mo kong maging kaibigan, i-text mo na lang ako." sabay talikod ni Nico pabalik sa kanyang opisina.

Napangiti naman si Anna ng maisip ang huling sinabi ni Nico. "Paano naman kita ite-text, eh hindi mo naman binigay number mo?" sa isip-isip ng dalaga. Maya-maya nakareceive sya ng isang text mula sa unknown number, "Hey Anna, si Nico ito. Dito mo ko i-text." magkahalong pagkagulat at pagtataka, nireplyan ng dalaga ang binata, "Saan mo nakuha ang number ko?" ngunit hindi nagreply ang binata. Kaya nagtext ulit sya ng isa pa, "STALKER!"

Natawa na lang si Nico ng mabasa ang huling text ni Anna. Maya maya, nakareceive ulit sya ng text na akala nya ay galing ulit kay Anna, ngunit nagkamali sya. Galing kay Lorraine ang text at nandun na raw sya sa lihim nyang opisina. Bigla pang nagalit ang kanyang pagkalalaki ng may pumasok na kasunod na text, "Bilisan mo Mr.8, para makarami tayo. Hihihi." kaya halos patakbo syang bumalik sa opisina nya.

-itutuloy

Please do inform me kung may napansin kayong mali sa pagkakasulat. I accept criticism, mas ok yun para alam ko kung ano babaguhin ko. I'm still a newbie so please bear with me, and help me improve my writings. Thanks.

RATE THIS STORY - Click 1 to 5 Hearts to vote: 
0

No votes yet

Comments

Sir suggest ko lang na kung okay lang sayo na pahabain ng konti yung bawat chapter hehe, suggest ko lang na panigurado na magugustuhan nila...

weedzy crime's picture

ganda ng story mo mr,8
exiting

Chong1968's picture

Hmmm..ganun pala pag handler

http://kontakan.com