Huling Maskara

barracuda's picture

Sa bawat pag-ikot ng buhay..
Maraming makakasalamuha sa maraming bagay
Mundoy di mo maintindihan
Lumalalim ang bawat kaganapan

Bawat simula ay may katapusan
Bawat kasalukuyan ay pupunta sa nakaraan
Ang araw ay sisibol..
Ngunit sa takdang oras ito ay lulubog

Ligaya ay kabaligtaran ng kalungkutan
Ang malalim ay kababawan naman
Sa bawat kaguluhan
Ang katapat ay katahimikan

Handa mo bang iaalay ang buhay?
Kung mahal mo ang iyong pagbibigyan
Hnada ka bang mawala sa mundo?
Kung katahimikan mo ang kapalit nito

Naabot mo naba ang adhikain mo sa buhay?
Masasabi mo bang nararapat lang na ikaw ay humimlay?
Ilang problema ba ang iyong nasolusyunan?
Ilan beses na bang nabigo sa pagmamahal

Huling maskara ay huhubarin
Titingna kung maari nabang ito ay pagpahingahin
Maaring huling pagsuot na ito
At maaari din maskara ay maglaho

Salamat sa mga nakilala
Habang suot pa ang abang maskara
Madami ang tao ay napasaya
Mayron din naman na naiinis na

Huwag mag alala mga kaibigan
Napasaya man at inyong kinainisan
Ito ay ginamit lang instrumento
Upang ilabas ang nasa puso ko....

Comments

ShylenJ's picture

ok lang yan bro..lahat naman

ok lang yan bro..lahat naman tayo dumaraan sa ganyang sitwasyon..ika nga panapanahon lang yan..atleast ikaw nagawa mong makalikha ng tula sa kabila ng iyong pinagdadaanan...

keep hoping and don't lose your faith..

Im not who you think I am..

Facebook Comments Box